Revelation
Francess' POV
"Okay ka lang ba Cess? May malalim ka yatang iniisip ah," sabi ni Kris at patuloy na nga siya sa pagkain.
"Ah wala," sagot ko lang.
Nang natapos na kaming kumain ay dumeretso na agad kami sa classroom namin. Nang madaanan pa namin ang tambayan ko ay kita kong wala na dun ang lalaki.
Napaupo nalang agad ako sa upuan ko at nakasunod lang din naman si Kris.
"Uyy, may bagong love team na tayo," sabi ng isa kong kaklase.
"Uy," kantyaw naman ng iba.
Hindi ko nalang sila inintindi at inopen nanaman ang phone ko. Hindi pa naman magtitime.
Hance
Kumain ka ng lunch on time ha? Huwag kang magpapagutomCess
Tapos na akong kumain, ikaw din kain ka naHance
Sanay na akong hindi kumakain kaya okay langCess
Kumain ka. Magkakasakit ka diyanHance
Hindi, okay lang talaga. Basta ba kumakain ka ng wasto okay na ako dunCess
Eh pano ka?Hance
Okay lang ako. Wala ngang nag-aalala sa 'kin eh kaya okay lang.Hays ang kulit din nito eh. Sabi na ngang kumain eh.
Cess
Kakain ka o hindi na kita papansinin?Hance
Oo na po kakain naHayun napakain ko rin. Takot palang 'di ko pansinin ha.
"Sinong kachat mo?" dumungaw si Kris sa cellphone ko pero kaagad ko ring nailayo.
"Ah wala," sagot ko at tinago na ang phone ko sakto rin naman na meron ng teacher.
Ngayon pala ay final exam na namin dahil next week ay practice-practice na para sa pagmarch namin sa graduation.
"Itago na mga reviewer niyo," sabi ni ma'am at nagsimula na nga niyang idistribute ang test paper.
Nilabas ko na ang ballpen ko para magsimula nang makapagtest.
"Tignan mo Francess oh, naka45 ako," pagmamayabang ni Kris sa 'kin nang tapos na naming icheck ang mga papel namin.
"Ah, magaling," sabi ko na lang sa kanya.
"Ikaw kasi ang inspiration ko Cess," sabi pa niya sa 'kin. "Ikaw ilan nakuha mo?" tanong pa niya sa 'kin.
At pinakita ko lang ang test paper ko sa kanya.
"Wow perfect score, ang galing-galing talaga ng Cess ko," sabi pa niya.
At napangiti nalang ako sa sinabi niya. Nang dismissal na nga namin ay inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na. Nang maibag ko na lahat ng gamit ko sa desk ay lumabas na ako para hintayin si Dani. Siya kasi ang pumupunta sa room para sunduin ako.
Nang nakadating na nga siya ay sabay na rin kaming naglakad palabas ng gate.
"Ate, musta naman 'yang kachat mo?" tanong niya.
"Okay naman siya," sagot ko.
"Umamin ka nga ate, nahuhulog ka na ba sa kachat mo?" Nabigla ako sa tinanong niya.
Actually hindi ko alam, naguguluhan na ako sa sarili ko.
"Hindi ko alam," sagot ko kay Dani.
"Bakit hindi mo alam ate?" tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
I met him in RPW (Complete)
Short Story(Complete) Hindi mo maquequestion ang totoong nagmamahal. "Mahal na mahal kita Ellah," sabi ni Rence kay Ellah habang nakalove sign ang kanyang braso sa kanyang ulo. "Mahal na mahal din kita Rence."