Chapter 13: The past

86 27 0
                                    

The past

Third Person's POV

Hindi nila alam nang papunta na sana si Dani sa kwarto ni Francess ay nadaanan niya ang kwarto ng mag-asawa kaya naover heard niya ang mga pinag-uusapan ng dalawa.

"Anong mga pinagdaanan ni ate na pinagsasabi ni mama?" bulong niya sa kanyang sarili.

"Minsan nga naaawa na ako kay Cess. Hindi na natin nagagampanan ang tungkulin natin bilang isang magulang sa kanya," sabi naman ni Alfred.

Napatakip siya ng bibig niya dahil sa gulat.

"Kapatid ko si ate Cess?" maluha-luhang tanong ni Dani.

Lumitaw na siya dahil sa hindi na nasasagap ng sistema niya ang impormasyong kanyang nalalaman.

"Dani?!" gulat na tanong ng dalawa.

"Sagutin niyo ang tanong ko," sabi niya na nagsisimula ng umiyak.

"Dani hindi," sagot ni Rosi at pilit siyang nilapitan.

"Kakasabi niyo lang tapos babawiin niyo nung narinig ko na?"

"Dani anak-"

"Hanggang kailan niyo pa gustong ilihim 'to sa 'kin? Sa 'min?" tanong pa niya.

"D-Dani hindi naman sa ganun," sinusubukang hawakan ni Rosi ang kamay ni Dani pero nilalayo lang niya sa kanya.

"Malalaki na kami ma, hindi na kami mga bata naiintindihan na namin ang mga bagay-bagay," sabi ni Dani at nagwalk out na. Tumakbo na siya papunta kwarto niya.

"Dani," hinabol naman siya ng mag-asawa pero hindi naging sapat yun para maabutan nila si Dani.

Nilock niya agad ang pinto pagkapasok niya sa kwarto niya.

"Anak buksan mo ang pinto! Magpapaliwanag kami," sabi ng dalawa pero tahimik lang na umiiyak si Dani sa kabilang side ng pinto.

Nang marinig naman ni Francess ang ingay ay nagdisisyon siyang pumunta rito.

"Ano pong nangyayari tita, tito?" tanong ni Francess.

"Cess, big girl ka naman na 'no," sabi ni Alfred kay Francess at hinawakan pa ang dalawang balikat niya.

"A-ano pong sinasabi niyo?" naguguluhan niyang wika.

Pero nagflash back lang sa isip ni Alfred ang mga alaala nila ni Francess nung bata pa ito habang sinasabi niya ang mga salitang iyon sa kanya. Kaya naluluha siya rito.

"Tito bakit ka umiiyak?" tanong ni Cess at pinunasan pa ang mga luha ni Alfred sa pisngi niya.

"Cess makinig ka, hindi ka namin pamangkin?" sabi naman ni Rosi sa kanya.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan niyang saad.

Nakikinig lang naman si Dani na nasa loob ng kwarto niya.

"Anak ka namin Cess."

Hindi maipaliwanag ni Cess ang mararamdaman niya nung mga time na yun. Matutuwa ba siya, malulungkot, magagalit.

"Anak ka namin Cess," nag-eecho pa rin ang sinabi ni Rosi sa kanya habang nasa kwarto na siya.

Hindi niya ulit maiwasang itanong sa taas kung bakit nangyayari sa kanya ito. Ano bang nagawa niyang mali at nangyayari sa kanya ang mga bagay na 'to.

"Nagkaamnesia ka nung 16 years old ka palang dahil sa car accident, dalawa kayo ni Dani," nagflashback sa kanya ang mga pinaliwanag ng mag-asawa sa kanila.

"At ang kwintas na 'yan binigay sa 'yo ng dati mong kasintahan pero tinapon namin 'yan para hindi mo siya maalala pa," paliwanag pa nila. "Hindi totoong kay Nami 'yan dahil binigay pa mismo sa 'yo ng boyfriend mo," paliwanag pa niya.

I met him in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon