Chapter 2: Mr. Hoodie

187 39 0
                                    

Mr. Hoodie

Francess' POV

Tinignan ko na agad ang chat ni Hance habang papasok na kami sa gate.

Hance
Goodmorning princess, sana maganda gising mo dahil ako ang unang bubungad sa 'yo. Galingan mo sa school ha? Nandito ako lagi para sa 'yo

Cess
Salamat sa lahat-lahat kuya

Yun na lang ang tanging nareply ko dahil out of words na ako sa sobrang caring niya. Boyfriend material talaga si kuya Hance pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya matanong kung ano ang mga inaakto niya patungo sa 'kin.

Hance
Kain ka sa tamang oras ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Labyouu

Hindi ko na siya nareplyan pa dahil padaan na kami sa room ni Dani.

"Oh salamat ulit Dani ha?" sabi ko at inabot na ang cellphone niya.

"Wala yun ate, at least magkakaboyfriend ka na yieh," sinindot-sindot niya ang tagiliran ko.

"Ano ba Dani. Wala pa ngang kami eh," sagot ko sa kanya.

"Ano ba 'yan ate. Ang bagal naman ni kuya-" nadulas yata ang dila niya kaya napatakip na lang siya rito.

"Kilala mo siya?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ah hindi ate 'no. Ano ba ulit pangalan niya?" tanong niya pero alam ko namang hindi niya sinasabi ang totoo.

Hindi ko alam kung aling part dun ang pinagsinungalingan niya pero nababasa ko na ang mga ekspresyon at asal ng pinsan ko kaya alam ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

"Ah sige nandito na room ko ate," sabi niya at dali-dali ng pumasok sa loob.

Takot sigurong matanong ulit.

Naglakad na ulit ako hanggang sa makarating ako sa room namin.

"Uy cess ganda mo ngayon ah," sabi ni Kris, siya yung laging nang-aasar sa 'kin.

"Lagi naman siyang maganda," sabi naman ng isa naming classmate na si Weyn.

Kung hindi niyo kasi naitatanong ay ako ang class muse namin. Hindi naman sa pagmamayabang. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo na sa upuan ko. Ilang minuto na nga ay dumating na ang teacher namin kaya nagsiayos na kami ng mga upuan namin.

Nakaupo ako ngayon sa open field nitong school dahil lunch time naman. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinasabi sa 'kin ni Hance. Actually nagbago siya simula nung nakilala ko siya. Hindi naman siya ganyan nung kakakilala ko palang sa kanya.

Ilang minuto lang ako dito habang nagmumuni-muni ang mga mata sa paligid. At nakita ko ang mga kapwa ko estudyante na naglalakad-lakad palagpas sa 'kin. May mga mag-isa, may mga group of friends tapos may mga magjowa. At mag-isa ako ngayon dito habang walang makausap.

Hindi naman 'to parang sa mga nababasa sa mga libro na mag-isa ka lang sa isang gilid ay may tatabi na agad sa 'yong lalaki? Actually hindi nga ako naniniwala na mangyayari sa 'kin lahat ng yun eh. Hello nasa totoong buhay kaya tayo, walang prince charming na darating.

Kaya yung kachat ko nga ngayon, inaasahan ko na ring aalis siya, na iiwan din niya ako someday. Hay, kung meron lang sana akong cellphone marereplyan ko siya agad at matatanong ko ngayon kung ano ba ang ibig sabihin ng mga chinachat niya sa 'kin. Kasi nalilito na ako. Litong-lito na talaga.

I met him in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon