Creating RPW
Francess' POV
"Ang boring talaga kapag Sundays." Napalingon ako kay Dani na pinsan ko na nasa kabilang couch nang magsalita ito habang nasa kalagitnaan kami ng panonood sa TV.
Hindi ko naman matatanggi ang sinabi niya, talaga namang boring kapag walang pasok.
Grade 12 na ako ngayon at candidate for graduation habang ang pinsan ko naman ay grade 11 palang. Hindi ko pa nga sure kung magcocollege ako dahil iniisip ko palang ang gastos nito ay hindi ko na alam kung saan kami kukuha ng pera para rito.
Tama ang iniisip niyo, mahirap lang kami. Maliit lang ang bahay na tinitirhan namin. Actually hindi nga namin ito sariling bahay eh. Bahay ito ng pinsan ko at ng pamilya niya. Nakikitira lang kami nila mama kasi wala kaming sapat na pera para makapagpatayo ng sarili naming bahay.
"Ate Cess how about gawa ka ng RPW mo?" Lumapit si Dani sa 'kin sabay abot ng cellphone niya.
Ni touchscreen na cellphone nga hindi ko mabili. Keypad lang ang cellphone ko para kahit papano ay may contact pa rin sa 'kin sina mama at papa just in case.
"RPW?" tanong ko sa kanya.
"Oo ate, hindi mo alam?" Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. "Uso kaya yun ngayon. Yun yung gagawa ka ng fake account mo tapos kuha ka ng picture ng sikat na artista tapos yun yung gawin mong profile pic," mahaba niyang paliwanag.
"Teka hindi ko pa rin maintindihan," sabi ko muli sa kanya.
"Hindi ko nga alam kung anong gamit pero maraming gumagamit ng RPW sa room namin. Sabi ng friends ko na pwede ka raw maghanap dun ng the one mo, chance mo na 'to ate," masaya niyang wika sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa.
"Ate 'di ba NBSB ka? Heto na ang chance mo para humanap ng boyfie mo," ani pa ni Dani.
"Eh 'di ibig sabihin lang nun na lolokohin ko yung tao? No way, hindi ko 'yan gagawin Dani," pagtanggi ko sa kanya.
"Sige na ate, ikaw ang gagamit. Sige na para sa 'kin," napatingin ako sa kanya ng seryoso at nagpuppy eyes lang siya sa 'kin. "Pretty please ate," sabi pa niya kaya no choice ako at um-oo na lang.
"Hays, may magagawa pa ba ako? Pinagpilitan mo na eh."
"Yey, heto oh." Inabot niya ang phone niya sa 'kin.
Actually may real account naman ako pero minsan ko lang ginagamit kapag nakikigamit ako kay Dani ng cellphone niya. Nakakahiya naman kasi kapag palagi akong hihiram sa kanya.
At gaya nga ng sabi niya ay gumawa na ako ng fake account ko. Nag-add friend na rin ako ng mga RP din gaya ko. Payo nga pala sa 'kin ni Dani na huwag na huwag akong mag-aad ng kilala ko or RA. Kaya sinunod ko na lang din ang sinabi niya.
"Mag-add ka rin ng bio mo ate," sabi niya pero hindi ko na inintindi at binalik ko na lang sa kanya ang cellphone niya. "Ako na lang maglalagay, how about 'need jowa'." Napalingon agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Uy huwag yun halatang jowang-jowa eh," sabi ko kaya napasimangot siya at napilitang mag-isip ng iba.
"How about...-"
"Ako na lang." Inagaw ko sa kanya ang cellphone niya para ako na lang ang maglagay ng bio ko. Baka kung ano nanaman ang maisip nun eh mahirap na.
Nilagay ko na agad sa bio ko ang 'RPW sucks'. Well totoo naman ah. Pinipilit-pilit kasi ako nitong pinsan ko na gumawa ng RP eh wala naman akong interes dito hmp bahala nga siya.
"Oh, huwag mong titignan ha?" sabi ko sabay abot nanaman sa kanya ng cellphone niya.
"Mag-add ka pa ng ibang RP users at makipagchat ka na ate para naman magka first jowa ka na," sabi niya at siniko ang braso ko.
BINABASA MO ANG
I met him in RPW (Complete)
القصة القصيرة(Complete) Hindi mo maquequestion ang totoong nagmamahal. "Mahal na mahal kita Ellah," sabi ni Rence kay Ellah habang nakalove sign ang kanyang braso sa kanyang ulo. "Mahal na mahal din kita Rence."