Supposedly meet up
Francess' POV
Good thing kasi wala pang teacher kaya hindi pa ako late nito.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kris.
"Hindi ka na nga kasi pinapansin Kris eh," sabi naman sa kanya ni Wayn.
"Pake mo ba!" sagot lang ni Kris sa kanya.
Actually matagal ng ganyan si Kris sa 'kin. At masasabi kong may gusto nga siya sa 'kin at hindi naman siya mahirap mahalin pero kasi baka hindi ko pa kayang buksan ang puso ko.
I'm sorry Kris kung hindi ko pinapansin feelings mo sa 'kin.
***
Naghihintay na ako ngayon sa café na pinag-usapan namin pero wala pa siya. Suot ko na rin yung graduation gift sa 'kin ni Dani. Ayoko pa sanang ito ang suotin ko pero pinilit niya ako eh.
Patingin-tingin na ako sa relo ko. 10 minutes na siyang late mula sa usapan naming oras. Nasan na kaya siya. Nilaro-laro ko na ang phone ko na nasa lamesa nang magpop ang pangalan niya.
Hance
Sorry cess, hindi ako makakapunta ngayon. Nagkaemergency lang. Promise babawi ako next timeHindi ko napigilan ang pagsunod-sunod na tulo ng luha ko. Sayang lang pala ang pagprepare ko ngayong araw dahil wala naman palang nangyari. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko kaya napatakip nalang ako ng mukha ko at dun umiyak.
Hindi ko alam kung bakit ako umiyak ng ganito ngayon. Feeling ko kasi ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Hance na emergency o pinaglalaruan lang talaga niya ako.
Cess
Hindi okay lang, sandali lang naman akong naghintay dito ehHance
Sigurado kang okay ka lang?Cess
Oo namanPagkatapos kong pinindot ang send button ay tumayo na ako mula sa inuupuan ko at kinuha na rin ang bag ko na nakapatong sa katabi kong upuan.
Sa paglalakad ko papuntang bahay ay hindi ko alam kung bakit bigla nanamang bumigat ang dibdib ko at napaiyak nanaman ako. Napaupo na rin ako sa gilid ng kalsada.
"Waaahhhhhh!!!" Pag-iyak ko.
Hindi ko na nga rin inintindi ang mga nakakakita sa 'kin.
"Pre tignan mo yung babae, parang nabasted sa sobrang pag-iyak niya oh," sabi ng dumadaan na nakakakita sa 'kin.
"Ang ganda pa naman eh. Tapos siya ang naghahabol," sabi pa ng isa nilang kasama.
"Oo nga," sabi naman ng isa.
Dahil sa narinig ko ay sandali akong tumigil sa pag-iyak. Oo nga naman, bakit ba ako umiiyak eh hindi naman ako nabasted, hindi lang naman niya ako sinipot.
Tumayo na ako ng diretso at pupunasan na sana ang mga luha ko nang may nauna ng pumunas nito. Tinignan ko kung sino ito at yung nakausap ko pala sa tambayan.
"Bakit ka ba umiiyak? Papangit ka diyan sige ka," sabi niya habang pinupunasan pa rin ang mga luha ko sa aking pisngi at ako naman ay nag-iwas lang ng tingin sa kanya dahil nakakailang kaya.
"A-ako na," inagaw ko ang panyo mula sa kanya at ako na ang nagpunas ng natira pang luha sa pisngi ko.
"Saan bahay niyo, ihahatid na kita."
BINABASA MO ANG
I met him in RPW (Complete)
Conto(Complete) Hindi mo maquequestion ang totoong nagmamahal. "Mahal na mahal kita Ellah," sabi ni Rence kay Ellah habang nakalove sign ang kanyang braso sa kanyang ulo. "Mahal na mahal din kita Rence."