Chapter Ten

25 3 4
                                    


The person that I really want to forget is waiting outside of our school gate. Just like before, but the different is I was the only one who's wearing a school uniform.

Nakatayo siya ngayon sa gilid ng kanyang Hilux, at pinagmamasdan ang bawat estudyanteng lumalabas, hanggang sa dumako ang mga mata niya sa akin. Unti-unti siyang lumakad papunta sa amin.

" Naalala ko pa kung paano mo ginamit ang pangalan ko, para makaiwas lang sa kanya." Si malen.

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng magkita ulit kami, at mula noon ay araw-araw na siyang pumupunta sa bahay.

At sa bawat araw na lumipas na kasama namin siya, naging malapit pa ang mga kapatid ko sa kanya, lalo na si Kiven. Pagkatapos sa nangyari ay talagang pinanindigan niyang huwag nang alamin ang tungkol sa pag-iwas ko sa kanya, noong una naming pagkikita.

Sa Dalawang buwan ding iyon ay naging malapit din siya kina manang at manong, Lalo na pagdating sa usapang lupa. Ang pag-iwas ko sa kanya ay naging tulay pa Lalo sa pagkikita naming dalawa. Kung sa kanila ay naging malapit siya, kabaliktaran naman sa akin. I always keep my mouth shut.

Tuwing nasa bahay siya ay ang mga kapatid ko ang lagi niyang kausap o ka kwetohan. Mahirap sa sitwasyon na yung taong gusto mong kalimutan ay nasa harapan mo palagi. Lalo pa't dumating na ang pasukan, siya ang laging naghahatid at sundo kay kiven.

Ang mga ngiti sa labi ng mga kapatid ko ang lagi kong iniisip kapag nandiyan siya, hindi ko alam kung paano, pero nakikita ko ang mga kapatid ko na masaya kapag kasama siya.

" Tahimik malen-." Mahinang halikhik lang iginawad ni malen sa akin.

" Hi Maria!!" Bati ni malen sa kanya, hindi parin nawawala ang ngiti niya na mas lalong nagpapalitaw sa dalawa niyang biloy.

" You really like to call me that name huh." Natatawa niyang sabi kay malen.

" Eh! para unique na rin, bakit ka pala nandito?" Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. Hinayaan ko nalang si malen.

" Sinusundo kayo." Sa pagkasabi Niya ay agad akong tumingin sa kanya.

" Ah...gusto ko sana kayong dalhin sa Bahay, sa sto. Niño may handaan kasi." I was about to say no, pero nakalimutan kong si malen pala ang kasama ko.

"Sure ba !! para naman Makita namin Ang bahay mo." Really? sa isip ko. Bumaling ako kay malen, nakataas lang ang dalawang kilay niya sa akin.

" Reign, nasa bahay na sila." Ang mga Kapatid ko ang tinutukoy niya, paano ba ako makaka hindi nito? sinabayan pa ni malen.

" Ayy andun na sila? talaga naman oh." Si malen habang pilyong ngumingiti.

Wala na akong magawa kundi sumang-ayon na din, Isang tango lang ang iginawad ko at una ng maglakad si malen patungo sa sasakyan ni Miguel.

Bumuntong hininga nalang ako habang tinatanaw si malen. Susunod na sana ako nang bigla niya akong hawakan.

I felt so small beside him, matangkad man ako pero hindi ko mapapantayan ang katangkaran niya.

" I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo ng maaga." Like I always did, isang tango lang ang sagot ko. Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya, tila bumabalik sa aking alaala ang mga panahon na hinahawakan niya ang kamay ko. Pero ako yung bumitaw, I chose to let go of his hand even though it hurt me.

Dahan dahan kong kinuha ang kamay ko mula sa pag-kakahawak sa kanya, alam kong napansin niya iyon dahil agad din naman siyang bumitaw.

" Let's go." Sambit niya.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon