Chapter 20

9 3 0
                                    


"Ano na naman yang iniisip mo?" Tanong ko kay Malen habang nakaupo sa pilapil ng palayan. Nakaupo ito na parang pool lang yung nasa harapan niya, nagpapahinga muna kami ngayon, mula sa pagtatanim ng palay.

"Gusto mong malaman kung ano ang isip ko Ell?" Parang naghahamon pa niyang sabi, napangiwi nalang ako dahil sa itsura niya. Tumabi ako sa kanya sa pag-upo.

Nakapatong ang isang paa ko at ang isa naman ay hinayaang nakabitin sa pilapil, parang nasa pool lang nga kami ni Malen ngayon, puno ng putik ang mga paa naming dalawa.

"Nag-iimagine kasi ako Ell." Sabi niya sabay halikhik na parang kinikilig. Kumunot lalo ang noo ko, ano na naman kaya ang iniisip nito ngayon?

"Ano kaya ang feeling, no? sa hinahalikan?" Napapikit ako sa sinabi ni Malen.

"Iwan ko sayo Malen! kung ano-ano na naman yang nasa utak mo, hindi ka siguro pagod no?" Naiinis kong tanong sa kanya, tumawa lang ito ng malakas.

"Ito naman, hindi ka ba curious? Kung anong-." Talagang walang matinong lumalabas sa bunganga ni Malen, hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita, tinakpan ko ang bibig niya. Agad din naman yang inalis ang kamay ko.

"Ano ba yan Ell!! maputik yang kamay mo." Reklamo pa nito, e puno rin naman ng putik ang kamay niya.

"Ang kj mo!! bente ka na hoyy!! Dapat curious ka na sa mga ganyan-." Napatigil si Malen sa pagsasalita, at umangat ang tingin sa likuran ko.

Hindi namin namalayan na may tao pala! Napalunok ako kung sino ito. Ngumiti lang si Malen sa bagong dating, kagaya namin maputik din ang mga paa at kamay nito.

"Hi kuya Migs!!" Ang akala ko ay hindi na itutuloy ni Malen ang sinasabi kanina. "Diba kuya Migs! okay lang na maging curious sa ganyang bagay?" Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, at ang mga mata ni Malen ay nakasunod lang sa kanya. Bibigyan na naman niya ito ng malisya.

"Why Len? I mean, are you asking if it's normal to ask about that kind of topic?" Lumukot ang mukha ni Malen dahil sa deretsong pag e-english nito. Malen is Malen, kapag hindi siya ma sasatisfy sa sagot, talagang magtatanong pa!!

"Maka English naman 'tong si kuya!! Dudugo ilong ko ya!" ani malen sabay kamot sa ulo. "Oo, kuya, hindi naman masama diba? Ikaw kuya, hindi kaba nagkaroon ng-." Napapikit ako dahil sa sinabi ni malen, minsan talaga masarap lagyan ng tape ang bibig nito eh.

"Malen! Ano ba yan." Tanging sambit ko nalang na may halong inis.

"Ito naman oh, hindi ko pa natatapos eh! So ano kuya, anong feeling sa ganyang bagay? Ah, ito nalang,! Nagka girlfriend ka naman diba? So anong feeling pag nakikita mo siya?" Sunod-sunod na tanong niya, pero ang mga mata niya ay nilipat-lipat niya sa aming dalawa.

Napalunok ako ng sarling laway sa tanong ni Malen. Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko ngayon.

Tumawa lang si Miguel sa tanaong ni malen. Bakit tumatawa lang siya? hindi ba niya ma sagot? Sa isip ko. Kahit naiinis ako sa ganitong usapan ay may kunting sabik akong naramdaman sa magiging sagot niya. Sabik ba talaga? Teka ba't naman ako nasasabik?

"Well, hindi ko pa siya nagiging girlfriend Malen, pero kapag nakikita ko siya-." Huminto siya saglit.

So, may nililigawan siya? bakit pa siya nandito? Naririnig ko na ang pagtatambol ng puso ko ngayon! Teka, ba't naman ako kinakabahan? Ano namang pakialam ko!!

"Kapag nakikita ko siya, kompleto na ang araw ko." Patuloy ni Miguel.

Hindi ko maiwasan na maitaas ang isang kilay ko na Tumingin kay Malen, na ngayon ay sobrang laki na ang ngiti! Baliw talaga.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon