CHAPTER 14

8 3 0
                                    


"Hoy babae, nasaan ka? Nag-aalala na si Justine sayo!" Napangiwi ako sa tono ng pananalita ni Malen.

"Kakarating ko lang Malen, kumusta si kiven? Okay lang ba siya? " I answered. Alam Kong raratratin niya ako ngayon dahil hindi ako nag paalam sa kanya.

"Bakit hindi ka man lang nag paalam sa akin, nasamahan sana kita ngayon, ano bang gina- huwag mong sabihin hinahanap mo siya? Hoy! Babae umuwi ka na dito, hindi mo yun makikita, sigurado ako." Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Malen, kabilang linya Mabuti nalang at hindi ko ini speaker on, siguradong sobrang lakas ng boses niya.

"Malen, nagbabakasakali lang naman ako eh, baka mahanap ko siya dito-" she cuts me.

"Matagal na sana natin siyang nahanap, kung nagpapahanap yang luko mong kapatid, eh hindi eh! Nandito ako sa labas ng kwarto ni kiven, wag kang mag alala hindi nila maririnig ang boses ko, ako yung nag aalala sayo eh! pinaubaya mo na sana ki'na tatay, saan mo siya ngayon hahanapin abir?"

Ang Totoo, pinahanap siya ni'na manang at manong, they even reported it to the police at maski si Miguel ay nag patulong na rin siya sa kaibigan niyang nasa Army para lang mahanap si James, pero negative lahat, hindi ko alam kong bakit, para siyang bula na bigla nalang naglaho.

"Anak, wala ka bang ibang kilala sa dating tinitirahan niyo? Mga kaibigan niya?" Tanong sa akin ni manang tungkol kay James.

"Wala akong... maalala manang, sila-." Tumingin muna ako kay Miguel na nakatayo katabi ni Kuya Filbert. "Sila kuya Miguel lang po ang kakilala ko doon, ang pamilya niya." Patuloy ko.

Halos araw- araw akong nakikibalita sa kanila tungkol sa kapatid ko, pero wala. Hindi ko maintindihan kong bakit hindi siya mahanap.

Even Malen has posted a picture of James on Facebook as a missing person, wala ring napala.

Hindi ko alam kung sino ang uunahin, sobrang kailangan ako ni Kiven ngayon, at hindi ko rin alam kung saan hahanapin ang isa kong kapatid.

"Ateng? Si Manoy James po? Nasaan po siya?" Kita sa mata ni kiven ang lungkot, niyakap ko lang siya bilang sagot ko.

"Umalis si Manoy, bunsoy pero babalik siya, wag kang mag-alala." Sambit ko.

"Oy! Andiyan ka pa ba? Kumain ka na? Baka nagpalipas ka na naman ha, Iwan ko nalang talaga sayo Ell." Sabay sa pagsalita ni Malen ay ang pag lapag ng crew sa inorder kong pagkain. Tumango ako at bahagyang ngumiti sa crew bilang pasasalamat.

"Heto na kumakainna po ako, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, kumusta si bunsoy? " Naiimagine ko ang itsura niya ngayon, sigurado akong pantay na ang kilay niya.

"Iwan ko sayong babae ka! Okay lang si Kiven at si Justine, wag mo silang alalahanin, pinalitan lang ng bagong dextrose fluid si kiven kasi ubos na, nandun sila nanay at kuya, pati..ang ..mahal mo." Napapikit ako sa huling sinabi ni malen.

"Uyyy natahimik, kinikilig... hindi makapag salita." Sumubo nalang ako ng fries sa sinabi niya, at rinig na rinig ko pa ang paghagikgik niya.

"Hindi naman talaga ako makapagsalita, eh paano, ikaw yung daldal ng daldal, kumakain na ako ngayon Malen, pakisabi kina justine at kiven babalik din ako kaagad." Rinig ko ang pagpigil niya ng tawa at pagbuntong hininga.

"Hayy, okay ka lang ba talaga diyan? Sa totoo Ell, nag aalala ako sayo eh." Napangiti ako sa boses niya ngayon.

Malen is not just a close friend to me, sa ilang taon naming magkasama ay mas lalo ko siyang nakilala, siya ang taong handang handa kang samahan, kahit anong pait pa ng buhay.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon