Chapter Five

14 3 0
                                    


Mask up my Pain, Hold back my Tears,

I'm goin' insane, nobody knows.


Nakita ko si James sa labas ng bahay habang humihigop ng kape, nakaupo ito sa isang upuan na gawa sa kawayan.

Nakatanaw ito sa malayo, seryuso ang mukha nito.

Si James yung tipong, malihim, kung hindi mo kukulitin sa pag tanong ay hindi ito magkukwento. Dalawang taon lang ang agwat namin ni james, pero dahil ako daw ang ate dapat ako daw yung masusunod. Lumapit ako at yumakap mula sa likod.

"Teng." Sambit niya, kaugalian na naming apat ito, ang magyakapan, siguro ito ang dahilan na mas Lalo kaming malapit sa isa't isa.

Umalis ako sa pagkakayap sa kanya at kinuha ang mug na hawak niya na may lamang kape, mahilig si James sa kape, hindi kompleto ang araw niya kapag hindi ito nakakainom. Humigop ako na agad ko namang pinagsisihan.

"Ang pait nito! na kaya mo to?" sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko, kinuha niya muli ang mug.

"Sino ba kasi ang nagsabi na uminom ka?" natatawang saad niya.

" Hindi kaba nagkaka-palpitate niyan?" tanong ko.

"Minsan, pero masarap kasi eh." Umirap lang ako sa sinabi niya at ngumiti.

" Iwan ko sayo." Inakbayan niya ako na ikinangiti ko, at dahil medyo may kataasan siya sa akin, sakop niya ang balikat ko.

" May problema ka?" Tanong ko sa kanya, umiling lang at humigop ulit ng kape. "James, si ateng to ohh, ayaw mo namang sabihin-."

"Teng, wala." putol niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako. Lagi kaming ganito kapag tinatanong ko siya.

Parang pinipigilan lang ni James sabihin sa akin para hindi ako mag-alala, pero kahit hindi niya sabihin ramdam ko naman. Umalis ako mula sa pagkakaakbay Umupo ako na nakaangat ang isang tuhod habang niyayakap ko ito. Sumandal agad ang loko sa akin.

"Sorry teng ha, alam kong nag-alala ka kay kiven kanina." Tugon niya na humihigop parin ng kape. Lihim akong napangiti. "Nakausap mo siya?"

Umiling ako sa tanong niya.

" Hindi ko siya nakausap, paano panay ang hikab inaantok daw, hinayaan ko nalang muna." sabi ko naman. Tumawa si James sa sinabi ko.

" Hindi yun natulog kaninang tanghali teng." sabi niya.

" Kaya pala, ikaw talaga, sinabihan na kita James, naintindihan ko naman kung bakit mo ginagawa yun sa kanya, pero wag mong sanayin James, alam mo na kapatid natin." Ngumiti lang ito sa sinabi ko, mula sa pagkakaupo ay humiga ito at ginawang unan ang isa kong hita.

"Nag-aalala lang ako James, baka kasi gagawin niya yun habang wala tayo na nakabantay sa kanya." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya, ganito kami ka komportable sa isa't isa.

"Hindi niya gagawin yun teng, alam kong mabait na bata si Kiven, makulit nga lang pero masunurin yun." Napangiti nalang ako sa huling sinabi niya.

"Kaya nga eh, pinagtatanggol ka nga niya sa akin kanina." Sabi ko naman.

"Sobrang saya niya kanina 'teng, pati nga si Tatay Noel eh." Masayang saad niya sa akin. "Ayukong kunin yung kaligayahan niya teng,gusto kong maging masaya lang siya." Dagdag pa niya.

"Hindi naman natin pinagkakait yun James, ang atin lang ligtas lang siya." Umangat ang tingin niya patungo sa akin. " Ang akin lang, walang mangyaring masama sa kanya o kahit sa inyong tatlo, kasi hindi ko kakayanin yun." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon