Chapter 18

14 4 3
                                    


Miguel is shocked same as me, parang natauhan ako bigla dahil sa ginawa ko. I felt his lips move, pero bumitaw din kaagad. Habol namin ang hininga namin ngayon, I looked at him direct to his eyes.

"Stop blaming yourself, hindi mo kasalanan ang pagtulong at paglapit mo sa akin-sa amin." My heart is pounding so fast in my chest right now, parang lalabas.

"Why did you kiss me?" Napapaos niyang tanong sa akin na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko, nakatitig kami sa isa't isa na parang hindi ako galing sa iyak, sigurado akong sobrang mugto na ang mga mata ko ngayon.

Napatikom ako ng bibig at yumuko. "Love...look at me..." Napapikit ako bago sumagot.

"I saw it in a TV series, I kissed you, so that you will stop—we will stop crying." Napangiwi ako sa sariling paliwanag at sa boses kong natataranta. Pero totoo, nakita ko yun sa tv series na Teen Wolf, Lydia and stiles scene.

Tatlong malalakas na ubo ang nagpatigil sa pag-uusap namin ni Miguel at nagpabalik sa akin realidad kung nasaan kami ngayon.

"Parang K-drama lang ah, may popcorn ka madam?" Boses yun ni Nc.

Nang bumaling ako sa likuran ko ay kanya kanyang yuko ang tatlo, si Nc ay nakayuko na parang may hinahanap, si amor naman ay parang nagbibilang ng o nag cocompute gamit ang daliri, at si khaty naman ay nasa likod ang kamay at nakatingin ito sa paa niya na tinatapik sa semento.

How adorable they are. Parang mga kapatid ko lang. I smiled at them, nahuli ko pang Tumingin sa akin si Amor, pero agad ding binawi ang tingin.

"I know... hindi 'nyo dapat yun nakita...nakakahiya but thank you." Paos kong sabi.

Umangat ang tingin sa akin ni Kathy at ngumiti, lumapit siya at niyakap ako. Yumakap ako pabalik sa kanya, hindi ko alam kong bakit, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya, napangiti na rin ako ng lumapit din ang dalawa at nakisama sa'min

"Okay lang yun ate, atleast kami yung nakakita... mygosh ang birhin kong mata." Sambit ni Nc na tinatakpan pa ang mga mata.

"Ay, ambot sa imo Nc!!" si Amor, bago Tumingin kay Miguel sa likuran ko.

"Kuya...next time po...ahmmm sorry...pero sa susunod po sana, hindi kayo magpadala sa emosyon niyo po... lalo't nakita niyo pong umiiyak na si ate." Sabay tingin sa akin. "Pero ya, mabuti rin ang ginawa mo...inapakan mo sana yun-." Hindi na niya naituloy pa ang ibang sasabihin dahil tinakpan na ni Kathy ang bibig niya.

Narinig kong bahagyang Tumawa si Miguel. "I will... and thank you... sa inyo, you help Ellena while I was doing something crazy." Ngiti niyang sabi.

"Ay Ellena na? wala na yung Love?" Ani ni Nc na tumatawa pa. "No worries Kuya... malalambot po ang puso namin at babae din po kami.... hindi namin lubos maisip na mayroong." Tumingin mo na siya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ama na kagaya nun... sorry ate ha ... I think they don't deserve a daughter like you...you're too kind ate, ikaw pa yung nagmakaawa makausap lang siya... kung ako nun tinalikuran ko na siya... at isusumpa." May kirot akong naramdaman habang sinasabi niya yun.

"Ate... hindi ibig sabihin na hindi mo deserving maging anak ha...I mean, di niya deserve magkaroon ng anak na kasing ganda at mabait kagaya mo." Dagdag pa niya. Bahagya akong ngumiti sa kanya, yeah tama ka, wala sa isip ko na magagawa yun ni papa sa akin-amin.

"Sa wakas, may matino ka' ring sinabi." Ani ni Kathy. Umingos si Nc.

"Ito naman, matino naman ako."

Naramdaman ko ang kamay ni Miguel sa baywang ko. At Tumingin doon ang tatlo. "Are you okay na? hindi pa tayo kumakain, nalipasan ka na naman." Mahinang sambit niya sa akin.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon