Chapter 25

12 2 0
                                    



"Ateng?" Tawag sa akin ni Kevin na nakaupo sa kanyang wheelchair. Lumingon ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Nasa loob kami ng itikan niya namumulot ng mga itlog, kung noon siya ang nangunguna sa pagpupulot ng mga itlog, ngayon pinapanood niya nalang ako.

"Bakit bunsoy?" Umupo ako sa harap niya. Malaki na ang pinagbago ng katawan ni Kiven. "Bakit?" tanong ko ulit sa kanya. Umangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko, napapikit ako nang haplos-haplusin niya ito.

"Ateng ko... salamat po...thank you very much ateng." Hinawakan ko ang kamay niya at dinama ang miinit niyang palad. Minulat ko ang mga mata at deretso siyang tinitigan.

"Salamat saan, bunsoy?" Binaba ko ang kamay niya sa kanyang hita, at marahan ko itong hinahaplos. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"For everything...you... became my ..." Huminto siya saglit, at huminga ng malalim, na para bang kumukuha ng lakas. Patuloy lang ako sa paghahaplos sa kamay niya. Alam kong nahihirapan na ang kapatid ko kaya sobrang sakit para sa akin na makita siyang ganito.

Kaming dalawa ang nandito ngayon sa loob ng itikan, nasa loob ng bahay naman si Miguel at si Justine naman ay nasa school pa niya, may tinatapos na project.

At simula rin noong isinugod si kiven sa ospital ay pinayohan na kami ng doctor niya, na dapat muna siyang ipahinto sa pag-aaral.

Pumayag naman ang kanyang guro, at minsan binibisita rin siya ng kanyang mga kaklase.

"A...teng..." Biglang nanginig ang tono ng kanyang boses. "Thank you...for being...my ate...and being my mama." Lumandas ang mga luha niya sa kanyang mapuputlang pisngi.

Sumisikip na ang dibdib ko, pero hindi ko parin pinapahalata sa kanya at ngumiti lang, pero nang magsalita siya ulit ay kusa naring pumatak ang mga luha ko. "Ateng...I'm tired na po...ateng...sakit na...kapoy nako...ayaw ko na po...sorry...sorry." Patuloy niya kahit nahihirapan siyang magsalita.

Niyakap ko siya agad. "I know bunsoy, sorry ateng can't take the pain...sorry, nandito lang si ateng." Mas lalong lumakas ang mga paghikbi niya.

Ang sakit, hindi ko alam kung kakayanin ko ba isang araw hindi ko na siya makakayakap, na isang araw wala na akong tatawaging bunsoy. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Shhhh, tama na bunsoy, tama na." Pagtatahan ko sa kanya habang sinusubukan kong hindi mapiyok. Agad din naman siyang kumalma at doon ako dahan-dahang bumitaw mula sa pagkakayap niya at umupo ulit sa harapan niya.

"It's okay bunsoy, it's okay, hmmm." Sambit ko habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. "Ateng is here, mahal na mahal na mahal ka ni ateng, hmm hindi na iiyak ang bunsoy ko."

"A... teng?" Ngumiti akong tumango sa kanya. "Hmm?"

"Si...mama...po, ateng?" Napapaos niyang sabi. Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya, Napasinghap ako at parang biglang nawalan ng lakas ang katawan.

"Love? Are you guys done?" Masayang tawag sa amin ni Miguel, natauhan ako bigla at siyang nagpahinto sa pag-iiyakan namin ni Kiven.

Tumayo ako at kinuha ang pinagsidlan ng mga itlog, at pinunasan ang sariling luha bago ako humarap ulit kay kiven na nakayuko na.

"Kiv?" Mahinang tawag ko sa kanya. Unti-unti niyang inangat ang ulo at tumingin sa akin, nagumiti ito nang magtama ang mga mata namin.

"Love." Tawag ulit ni Miguel.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon