Chapter Four

14 3 0
                                    


Well the sky has finally opened, The rain and wind stopped blowin', but you're stuck out in the same ol' storm again.

Huminto ang jeep na sinakyan namin ni Malen. Nakatulog pala ako buong byahe, siya naman ay walang tigil sa pagpipindot ng kanyang telepono.

Bumaba kami ni Malen sa Jeep, at nag-umpisang maglakad. May habal-habal naman papasok sa amin, pero maaga pa at nagtitipid ako kaya lalakarin nalang namin ni Malen, wala naman siyang reklamo.

Pero dahil hindi niya makita ang hinahanap niya nakabusangot ito.

"Ano ba yan! Wala kong makita, totoo ba yung pangalan na ibinigay mo?" Bahagya lang akong sumulyap sa kanya, at nakatitig pala ito sa akin na nakabusangot. Natawa ako ng bahagya sa itsura niya,

"Oo, pangalan lang diba?" Sabi ko sa kanya.

"Eh, bakit hindi ko makita ang pangalan niya?" Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko alam Malen.

Simula nang dumating kami dito ay nawalan na rin ako nang interes sa mga bagay na ganyan, ilang taon ding hindi ako active sa mga social media.

May laptop kami, pero hanggang YouTube at Google lang at gagamitin lang kapag kailangan. May cellphone ako pero hindi katulad kay Malen na touchscreen, may keypad yung akin.

"Ayaw mo talagang pag-usapan ell?" pukaw sa akin ni malen, habang naglalakad. Lumingon ako sa kanya.

"Hindi naman yun importante Malen, para pag-usapan pa." tanging sagot ko nalang.

"Sigurado ka? kahit di mo man sabihin Ell, alam kong apektado ka." Umiling nalang ako sa sinabi niya.

"Iniisip ko lang ang mga kapatid ko Malen, sila na yung mahalaga sa akin." Buntong hininga nalang ang isinagot ni malen sa akin. Ngumiti lang ito sa sinabi ko at inakbayan na ako.

Hindi na ito nagsalita pa, pero alam kong hindi siya titigil sa pagtatanong. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natanaw ko na ang bubong ng aming bahay. Siguradong matutuwa si Kiven nito, may pasalubong na naman siya.

Malapit na kami ni Malen sa bahay, nang makita namin si Justine. Siguro galing ito sa taniman ng mga mani, pansin ko pa na may dala siyang pinya.

At nang makita ako ay patakbo itong sumalubong sa amin.

"Uyy, kapatid mo oh, aantayin ko yan ha." Inirapan ko si malen dahil sa sinabi niya, minsan talaga may pagkabaliw itong si Malen eh.

"Baliw! Kapatid mo yan." Tugon ko. Tumawa lang ito sa sinabi ko. Inalis niya ang kanyang balikat na naka-akbay sa akin at pinagsiklop ito, habang nakatingin kay Justine na papalapit sa amin.

"Naku... ang gwapo talaga." Sambit ni malen sa akin, abay syempre kapatid ko yan eh, sa isip ko. "Pero, gwapo din yung kanina." At talagang na isingit pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya.

Huminto si Justine sa tapat ng bahay at kumakaway pa ito sa amin. Gumanti si malen sa pagkaway, napangiti na lang ako nang mag flying kiss pa ito.

" Hoy! babae kapatid ko yan ha! umayos ka." sumimangot nalang ito bigla.

" Ang damot naman nito, napapaligiran ka ng mga gwapo mong kapatid Tehh! ano sa tingin mo ako lang? naku! naku! Ell." Minsan talaga sarap tong batukan eh.

"Teng!" Tawag sa akin ni Justine nang malapitan na namin siya. "Hi ate Malen." Bati niya rin kay Malen.

"Arayy! tinawag akong ate...arayyy walang chance to..." Pagbibiro niya at talagang sinasapo pa niya ang dibdib na tila ba nasasaktan.

The Sacrifice LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon