Chapter 9

147 3 0
                                    

It's been two weeks since Aleah start courting me. Hinayaan ko siya dahil 'yun naman talaga ang gusto ko mangyari nandito na hindi ko na hahayaang masayang pa.

"What are you doing?" naiinis na tanong ni Yohan kay Vanessa, tinitignan ko lang sila'ng dalawa dahil simula nong nagkaaminan na kami ni Aleah palagi na sila'ng nag-aaway.

Am I missed something?

"What?" nakangiti si Vanessa sa kaya. "Bakit ba ang init ng ulo mo, Yohan?"

"Bakit ba lagi mo kong inaasar?" pabalang na tanong din nito.

Makikisali na sana ako kaso tumunog ang phone ko.

Aleah:

Love, where are you? Kasama mo ba sina Yohan?

May ngiti sa labi ako'ng nagtatype, palagi naman ako'ng nakangiti kapag siya ang kausap ko.

Oo, kasama ko sila nag-aaway nga eh

Seen

Bilis niya talaga mag-seen sa mga chat at reply ko sa kanya. Feeling ko nga minsan nakatuktok lang siya sa phone kaya mabilis na kikita chat ko.

Aleah:

Nag-aaway? Bakit naman?

Inaasar kasi ni Vanessa si Yohan

Seen

Aleah:

Pupunta ako dyan mamaya, may ginagawa lang dito

Okay, love take care!

"Alam mo naiinis na ko sa'yo?" kanina ko pa naririnig si Yohan na naiinis. Kung ako sa kanya sampalin na niya si Vanessa.

Aleah:

Take care, see you later mahal kita

Lumapad ang ngiti ko lalo.

"Luh, kilig na kilig ka naman" Nag-angat ako ng tingin kay Vanessa ako naman ang inaasar niya. "Ano ba'ng sabi ni Aleah?"

"Manahimik ka, please baka masampal kita." sabi ko na lang at tumigin kay Yohan na nakatingin kay Vanessa.

Ok, alam ko na ang tingin na 'yan

"By the way, Yohan sama ka naman sa party ko." Natatawa na naman ako dahil mapang-asar na naman si Vanessa kay Yohan. "Sama ka—"

"Wala ako'ng panahon sa mga party na 'yan" mabilis na sagot ni Yohan.

"Ang sakit mo naman," si Vanessa

"Sumama ka na, Yohan pupunta naman si Aleah kasama ako" nakangiti'ng sabi ko. Baka kaai dahil din dito kay Vanessa kaya ayaw niya sumama.

Napatingin sila sa akin lalo na si Vanessa na dahil alam niya'ng nagseselos ako rito.

Hindi naman ako gano'n ka selosa para ayawan si Yohan since close na close naman talaga sila ni Aleah.

Tumaas ang kilay ni Yohan dahil kay Vanessa na nginingitian siya.

"Alam mo ang ganda mo, huwag ka sumimangot,"

Really Vanessa Andrea Salvez?

"Can you please stop?"

Papalit-palit na ang tingin ko sa kanila'ng dalawa hindi talaga sila nagpapatalo kahit si Vanessa naman talaga nagsimula ng sagutan nila.

"Why? I can't stop..."

Omy feeling ko talaga kailangan ko na magpalit ng bago'ng tenga kung ano-ano na naririnig ko.

Kinagat ko ang labi ko nang mapansin ko na namula na si Yohan pero mas namumula ang tenga niya.

Loving Aleah GriffinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon