Chapter 17

65 2 1
                                    

"Anak, kumain ka naman" napatingin ako kay Daddy, malungkot niya ako'ng tinitignan. Kanina pa may nakahanda sa harap ko pero wala ako'ng gana kumain.

Mag-tatlo'ng araw na mula nong nag-away kam'ng dalawa,pinipilit ki namang kumalma pero nadadala ako sa emosyon ko tuwing mag-uusap kami kapag hinihintay niya ako sa labas ng bahay.

Hindi ko alam, hindi ko makontrol ang sarili ko, nanghihina at hindi ko kayang maharap siya'ng may halo-halo ang nararamdaman.

Hindi naman ako ganito eh, alam ko malakas ako pero pagdating sa relasyon namin nawawala 'yung lakas ko. Hindi ko makapa at hindi ko maabot. Hindi ba dapat malakas ako? Pero bakit ang hina ko sa ganito'ng bagay?

Hindi, hindi ako mahina, siguro nasasaktan lang ako sa poanggagawa ng puta na 'yun. Sana talaga huwag ko na siya'ng makita. Alvarez na pinanganak para maging papansin.

"Anak" huminga ako ng malalim dahil si Mommy na ang tumawag sa akin. "Kumain ka"

"Wala ako'ng gana, Mommy" Tumayo ako at nagsimula'ng lumapit sa sofa. Wala naman ako'ng ginagawa pero pagod ako ngayon.

"Mag-usap kayo ni Aleah, hayaan mo muna siya'ng magpaliwanag" si Daddy, nakatingin sa akin. Himilig ako.

"Hinayaan ko naman—"

"Kung hinayaan mo siya bakit tatlo'ng araw na kayo'ng magulo?" pinutol ni Mommy ang sasabihin ko.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mairita kapag naaalala ko lahat.

"Nasasaktan na ko..."

"Si Aleah ba hindi?" Binaba ko ang tingin ko. "Ilang araw na siya'ng naghihintay sa labas, hindi mo manlang kinakausap"

"Ayoko muna makipag-usap."

"Anak, kailangan ka ni Aleah at kailangan mo rin siya..." si Daddy. "Mag-usap kayo kapag 'di ka mainit ulo mo, sisigawan mo lang siya"

Noong tanghali lang ako nakapagdesisyon na lumabas paraagpahangin sa garden. Wala'ng pasok kaya ngayon lang ako lumabas ilang araw na rin noong nagkukulang ako sa kwarto dahil sa mga nangyar.

Umupo ako at nilapag ang dala ko'ng kape sa mirror table. Tama nga ako hindi ako nabigo dahil bago pa ko umupo ay may humahampas na nahangin sa akin.

Kahit maaliwalas ang paligid at ang simoy ng hangin ay maganda hindi pa rin naaalis ang bigat ng pakiramdam ko. Nanatili'ng mabigat at masakit.

Unti-unti ko'ng ininom ang kape ko, paborito'ng kape niya ang tinimpla ko dahil iyon ang ibinigay niya sa akin.

Pilit na pinakalma ko ang sarili ko habang nagpapahangin. Hindi talaga kaya ng sarili ko na ganito. Naninibago ako siguro nasanay ako'ng wala kami'ng pinag-aawayan ni Aleah noon at nito'ng mga nakaraang linggo lang kami nag-away.

Isa'ng malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ubos na ang kape ko kaya mahtitimpla ulit ako.

Pagtayo ko at pagkatalikod, nakita ko si Aleah na nakatingin sa akin. May hawak siya'ng box ng cake. Kagagaling niya lang siguro sa club nila. Wala'ng pasok pero wala'ng paawat ang course niya.

"Hailey" tumigil siya sa paglapit sinukat niya ang distansya naming dalawa. "Can we talk?" she said calmly.

Paano ba niya nakakaya'ng magsalita ng kalmado sa nangyari? Pinanganak ba siya para magkalat ng pagiging kalmado sa mundo? Naiinis naman ako.

"Are you okay? Then let's talk..." She's staring at my eyes.

Sa likod niya lumabas si Haider ng bahay pero nang makita kami'ng dalawa ay agad siya'ng bumalik papasok at napabalibag sa pinto pasarado.

Loving Aleah GriffinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon