Chapter 32

110 2 0
                                    

Hindi ko alam kung ano oras na ako'ng tumigil kakaiyak, inabot na ako ng umaga dahil tumatama na sa mukha ko ang sikat ng araw sa bintana. Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging usapan namin ni Aleah.

Muli ko'ng sinubsob ang mukha ko sa unan, pagod na pagod ako at hindi ko alam kung makakapagpahinga pa ako lalo na wala ako'ng tulog

Kahit ano'ng pigil ko sa luha ko ay hindi pa rin talaga ako natitigil kakaiyak. Hindi ko alam, hindi na yata ako titigil kakaiyak.

Hirap ako'ng bumangon, hindi na rin naman ako makakatulog kaya tatayo na ko at gutom na gutom na rin ako.

Lumabas ako ng kwarto, nag-ayos pa rin naman ako sa sarili ko. Maga pa rin ang mata ko at nanlalabo ang paningin. Pinilit ko na lang dahil wala ako'ng magagawa, naiiyak pa rin naman ako kahit ano'ng pigil at gawin ko.

"What? Are you serious?" napatigil ako sa pagbaba. Mukha'ng may bisita si Aleah ngayong umaga. "Aleah? Are you serious!? She's your girlfriend!"

Hindi ako pwede'ng magkamali, boses iyon ni Vanessa. Naririnig ko rin ang boses ni Yohan na pinipigilan siya.

Tumigil ako at bahagya'ng sumilip. Hinihila-hila ni Vanessa ang kwelyo ni Aleah, galit na galit sumisigaw.

"Vanessa! Vanessa bitawan mo!" hindi mahila ni Yohan si Vanesssa palayo rito. "Love, ano ba!?"

"Hindi!" si Vanessa. "Hindi ko maintindihan bakit hindi ka naniniwala sa kanya"

"Bitawan mo ko" mahina ang pagkakasabi ni Aleah, kanina pa siya tahimik.

Gusto ko bumaba para pigilan sila pero hindi ko magawa may part sa akin na gusto ko pero masasaktan naman ako kung makikielam ako. Dahil alam ko'ng may masasabi at masasabi si Aleah kapag nakielam ako sa kanila.

"Ikaw ang bullshit!"

"Vanessa!!" hiyaw ni Yohan nang suntukin ni Vanessa si Aleah. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Ano 'yan!?" nataranta ako dahil may pumasok. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil mga magulang namin ni Aleah ang pumasok.

"Dad!" sigaw ko, naagaw ko ang tingin nila'ng lahat. "V-Vanessa" tinahak ko ang distansya namin ni Vanessa. Hindi sila pwede'ng mag-away at magkagulo na naman dahil sa problema naming dalawa.

"Anak" Napahinga ako nang malalim kay Tito David, tinutulungan niya ang anak niya'ng tumayo mula sa pagkakasuntok ni Vanessa. Nagtatama ang paningin naming dalawa ni Aleah...nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko.

"Ano'ng nangyayari?" tumalikod si Vanessa bakas na bakas sa kanya ang irita niya. Si Mommy ang nagsalita tahimik sila pero hindi nakaligtas sa akin ang mga seryoso at nag-aalala nila'ng tingin.

"Vanny" hinawakan ko si Vanessa, si Yohan ay nilingon ang mga magulang ko. Hinahagod ko ang likod niya. "I'm sorry...please calm down."

"Sorry po..." si Yohan, ayoko madamay sila sa gulo na 'to pero hindi ko masisisi si Vanessa sa galit niya ngayon.

"Sit." si Tita Agustina na ngayon ay nilalapag ang mga gamit at pagkain. "Maupo kayo." seryoso ang boses niya dahilan para manginig ako at matahimik.

Una'ng beses niya iyon. Una'ng beses na gano'n ang kanya'ng boses. Hindi gano'n ang beses ni Tita kahit noon palang, parang sinusubukan niya kami sa tono ng pananalita niya. Tumahimik ang lahat, umupo ako sa tabi ni Daddy, nasa gilid ko si Vanessa at Yohan na kanina pa rin tahimik.

Si Vanessa hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nagagawa pa niya'ng kumalma sa ngayon, nakasimangot pa rin kasi ito at nakatingin sa kay Aleah minsan.

Loving Aleah GriffinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon