Chapter 2

2 0 0
                                    


Ngayong araw ang pagbabalik namin sa kumpanya kaya naman pinaghandaan ko ang pagbabalik na ito. It's been two years since the surge of pandemic at ng pagiging work from home namin and finally we are back. I'm wearing a sleeveless topped with coat and a fitted jeans paired with Manolo blahnik heels.

Uminom muna ako ng gamot sa ulo dahil sa sobrang hangover ko kagabi. Sa sobrang daldal namin ni Maje naubos lahat yung dala niyang beer.

"Jesusa una na ako ah, ikaw na bahala rito." Paalam ko rito habang tinatapik ang pisngi niya.

She just raised her middle finger on me kaya napatawa ako. May hangover na at lahat pikon pa din.

Tumayo ako at kinuha ang bag sa may vanity mirror ko. "Bye Maria Jesusa!"

"Pakyu!" Rinig ko na sigaw nito ng makalabas ako sa kwarto.

Alam niyo yung pakiramdam na parang unang araw niyo sa paaralan at excited na nakakaba ang pakiramdam. It's so nice to see everyone in the company. It feels like it's coming back to normal again.

Habang nagaantay ng pagbukas ng elevator nakakarinig na ako ng mga iba ibang grupo na naguusap usap. Typical morning chika ng mga empleyado habang nagaantay sa lobby.

"Good morning ma'am! Namiss ka namin!" Isa-isa nagsidatingan ang mga staff ko.

Ngitian ko ang mga Ito. "Morning mga bakla!" Fist bump lang ginawa namin para may social distancing pa din.

"Medem, ganda ng awrahan natin ngayern ah." Pansin ni Alfred na sinipat ang itsura ko mula ulo hangang paa.

I flip my hair on them. "Namern. Jusko dalawang taon tayong walang awrahan mga bakla kelangan pretty ang comeback!"

"Korak! Appear medem!" Nakipag appear naman ako kay Ana na isa ring' nakaporma.

"Nako mga bakla, sayang ang outfitan maglilinis lang tayo ng linulumot nating' mesa. Kaloka!" Sabat naman ni Georgina a.k.a george. Nagchikahan pa kami hangang sa makarating kami sa 7th floor kung saan naroon ang buong accounting at finance department ng kumpanya.

Pagkarating ko sa sarili kong' silid, halos manlumo ako sa sobrang alikabok ng opisina. Tama nga si Georgina, sayang outfit today mga bakla buti nalang naisipan kong' magdala ng extrang damit pantaas at tsinelas. Sinilip ko naman ang mga bakla sa labas ng opisina na di rin mapakali sa paglilinis ng sarili nilang lamesa.

Ilang araw ang lumipas balik normal na ang lahat. Buti nalang kahit papano eh nakakalabas pa din kami ng mga staff ko para kumain. Kagaya ngayon, we just had our lunch outside, sa baba lang kasi ng building na ito maraming kainan.

"Medem, alam mo ba ang chika ngayon sa office?"

I sip my coffee before answering Alfred. "No. Why? Wala pa naman akong nasasagap na balita. Ano ba yun?"

"Medeeem! Anak na daw ng charmain ang papalit bilang CEO." Ani ni Ana.

"Chru!! At alam mo ba medem usap usapan din na masungit daw at strikto ang papalit." Dagdag naman ni George sabay subo ng cake niya.

"Baka kasi matanda kaya bugnutin." Natatawa kong' sagot rito.

"Ayy wes tii! Chupapi raw eh! Baka mapabless tayo kapag nakita natin. Omg" kinikilig na sambit ni Alfred

Patuloy pa din sila sa paghuhula kung ano nga ba ang itsura nung anak ni chairman. Sa apat na taong pagtatrabaho ko sa kanilang kumpanya kahit isa sa mga anak niya ay hindi ko pa nakita. Kung totoo nga ang balita na anak nito ang papalit, sana kasing ugali nito ang matanda na mahal at pinapahalagahan ang empleyado. Samantala, iniwan ko naman yung tatlo sa restaurant at agad ng lumabas dahil panay tawag ng head ng Finance sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YMN (Yes, Maybe, No) - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon