Sky And Archer: False November

178 29 17
                                    

Habang pinagmamasdan ko ang mga tuyong dahon na isa-isang nahuhulog sa lupa ay may biglang kumatok sa pinto.

"Anak?..." Boses ng aking ama.

Dali-dali kong binuksan ang pinto at agad bumungad sa'kin ang mukha ni papa na nakangiti. "May bisita ka," aniya.

"Si-sino?" Pagtataka ko.

"Happy Birthday, Archer."

Pumukaw sa'kin ang isang lalaki na nakaupo sa isang wheelchair at nakangiti sa'kin.

"Sky?..." Bulong ko.

"Oo, Archer," ani ng lalaking umaalalay sa kan'ya at nagtutulak ng kan'yang wheelchair. Siya ang ama ni Sky. "Nag-request siya na dalawin ka muna dito bago kami lumipad sa ibang bansa," saad n'ya.

"Pa-pasok muna po kayo dito sa kwarto," pagpapatuloy ko sa kanila.

"Mag-usap na muna kayong dalawa ni Sky at dito na muna ako sa sala," wika ng kan'yang ama at itinulak ang wheelchair kung saan siya nakasakay papasok sa loob ng aking silid. May inilapag rin silang malaking box sa kama ko.

"Maiwan na muna namin kayo," sabi ni papa at isinara ang pinto.

Umupo ako sa gilid ng kama nang nakaharap sa kan'ya.

Huminga ako nang malalim. "Anong nangyari sa'yo?" Pagtataka ko habang pinagmamasdan ang kan'yang itsura.

"I don't want to talk about it now," aniya at napayuko.

"I'm sorry."

"No worries. Gusto ko lang kumustahin ka at bigyan ka ng regalo ngayong kaawaran mo," saad n'ya. "Buksan mo na 'yung box na 'yan, oh!"

"A-ano bang laman nito?" Pagtataka ko.

"Basta. Buksan mo na lang."

Tumayo ako at unti-unting binuksan ang kahon. Nang mabuksan ko ito nang tuluyan at nagulat ako sa mga nilalaman nito.

"Sigurado ka ba dito? Ang dami nito!" Pagkamangha ko.

Tumango lamang siya at ngumiti.

Ang mga laman lang naman ng kahon ay playstation, laptop, nintendo switch at mga bala nito, pati na rin iba pang gamit panglibangan na noon ay ginagamit namin sa paglalaro sa kan'yang condo.

"Sayo na 'yan lahat dahil wala ng gagamit n'yan," aniya.

"Ano? Hindi kita maintindihan. Wala ka bang kapatid? Eh, 'yung boyfriend mo? Hindi ba siya naglalaro nito?" Pagtataka ko.

"Boyfriend?" Kumunok ang kan'yang noo na tila ba'y nagtaka rin sa'king nasabi.

Humagikgik siya. "Wala akong boyfriend."

"Anong walang boyfriend? I saw your other account at nakita kong may picture kayo," sabi ko. "Naka-akbay ka pa nga sa kan'ya sa swing."

Humalakhak siya. "Ah, 'yon ba? So, nalaman mo pala 'yung isa kong account?"

"Oo..." Mahina kong sambit. "Nakita ko 'yong nu'ng pinahiram mo 'ko ng cellphone 'tas ni-research ko."

"Pero mali ka sa inakala mong boyfriend ko siya," aniya. "Because he's my brother."

"Oh! Okay..." Napayuko ako.

"Naka-private kasi 'yung account na 'yan Kaya hindi mo makikita 'yung ibang impormasyon," paliwanag n'ya. "Nag-jump ka naman agad sa conclusion. Nagseselos ka ba?"

"Huh!" Pagkagulat ko. "Ba-ba't naman ako magseselos?"

Humagikgik siya. "Biro lang. Ikaw naman... Saka alam kong hindi ka magkakagusto sa'kin," aniya at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon