Sky And Archer: Everything Ends In July

166 30 15
                                    

That first Saturday of July.

Kumatok ako sa pinto ng condo unit ni Sky. Ngunit walang sumasagot, kaya kinuha ko na ang duplicate na susi sa aking bag na kan'yang binigay sa'kin.

Matapos ang mga pangyayari no'ng Abril ay hindi nagtagal, naging matalik kaming magkaibigan. No'ng malaman n'yang wala na akong libangan at dahil may pasok na rin ako sa eskwelahan ay pinatutuloy n'ya na 'ko dito tuwing weekends upang samahan s'yang maglibang.

Lumangitngit ang pinto habang dahan-dahan ko itong binubuksan.

Sumilip ang liwanag sa uwang.

Napansin ko ang dilaw na liwanag na nagmumula sa lampshade. 'Yon lang ang tanging ilaw na nakabukas at nagbibigay liwanag sa paligid ng silid.

Nadatnan ko si Sky na nakaupo sa gilid ng kan'yang kama, walang damit at umiinom ng red wine.

Napalunok ako.

"Uy! Ba't ka umiinom?" Pagtataka ko. "Saka bakit ang dilim?" Lumingalinga ako sa paligid at saka muling tumingin sa kan'ya.

Inilapag n'ya ang wine glass matapos n'uang inumin ang alak sa lamesa, sa gilid ng kan'yang kama kung saan rin nakapatong ang lampshade.

Umiling siya nang nakatulala at pinagmamasdan lamang ang sahig.

Napansin kong namumula na ang kan'yang mga pisngi at mukhang naparami na rin ang kan'yang nainom.

Tumatagaktak ang kan'yang pawis. Umaagos ito pababa sa kan'yang katawan.

Ngayon ko lang siya nakitang uminom ng alak.

Umupo ako sa kan'yang tabi nang sukbit pa sa'king balikat ang aking bag.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kan'yang mga mata.

"May problema ba?..." Bulong ko.

Napansin kong mamumungay ang kan'yang mga mata, maga rin ang mga ito na tila ba'y galing siya sa pag-iyak.

"Ayos ka lang ba?..." Pag-aalala ko. Ngunit wala ako narinig na sagot mula sa kan'ya at patuloy lang siyang umiinom ng alak. Nagpapakalasing sa hindi malamang dahilan.

Hinubad ko ang aking bag at inilapag sa sahig, humiga sa kama nang nakapailalim ang dalawang kamay sa'king ulo.

Natahimik ang buong paligid.

Maya-maya pa'y inilapag n'ya ang wine glass sa mesa at saka humiga rin sa tabi ko.

Dahan-dahan akong tumingin sa kan'yang mga mata at napansin kong nangingilid ang kan'yang luha.

"Ayos lang 'yan kung hindi mo pa masabi," wika ko. "Take your time. Iiyak mo lang lahat."

Bigla n'ya 'kong niyakap at nanlaki ang aking mga mata.

Humawak siya sa'king damit nang pagkahigpit-higpit habang nahihikbi at lumuluha.

"Dito ka lang, please..." Pagmamakaawa n'ya habang nakadagan ang kan'yang ulo sa'king dibdib. "Dito ka lang..."

"O-oo. Dito lang ako," pabulong kong sagot kahit hindi ko maintindihan ang gusto n'yang iparating.

Ini-angat n'ya ang kan'yang ulo at tumitig sa'kin.

Napalunok ako.

Bumilis ang tibok ng aking puso habang nakatitig rin sa kan'yang mga mata.

Pulang-pula ang kan'yang labi.

Hinimas n'ya ang aking mukha. Ramdam ko ang panginginig ng kan'yang kamay at init ng kan'yang katawan.

Nang maglalapat na ang aming mga labi ay napapikit ako. Ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang pagbagsak ng kan'yang ulo sa'king balikat.

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon