Sa Kabilang Buhay Na Lang

82 8 0
                                    

"Nay.. Ito na 'ho yung paborito niyong pagkain, kain na ho kayo," at agad agad kong inupo si lola at bakas sa mukha niya ang saya.

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kanyang hinihigan, katabi ni lolo na nagmamasid lang at siya'y pinagmamasdan; Matanda na si lolo.

"Mahal!" Ang tawag sa'kin ng boyfriend ko at agad naman akong lumapit.

"Bakit?" Ang tanong ko.

"May matandang lalaki sa labas, hinahanap si lolo mo," ang sabi niya.

Lumabas ako at tinignan kung sino ang nasa labas. Nakita kong may matandang lalaki nga ang nakatayo sa harap ng gate namin.

"Ah.. hello po! Sino po ang hanap niyo?" Ang pag galang ko.

"Nandyan ba si Oscar?"

"Ahh.. opo, nandito po, bakit daw..."

Naputol ako sa pagsasalita nang magsalita si lolo.

"Pasok Ricardo" ang sabi ni lolo. Agad naman naming binuksan ang gate at pinapasok ang matandang lalaki.

"Kamusta Emilia?" Ang bungad na bati niya sa'ming lola. Pinagmasdan lang namin siyang lumapit rito.

"Si-sino po siya lo? Ang tanong ko kay lolo ngunit hindi siya kumikibo hanggang sa...

"Mahal na mahal kita Ricardo," ang narinig kong sinabi ni lola.

Nagulat ako nang makitang may tumulong luha sa mga mata ni lolo, nagkatinginan kami ng boyfriend ko.

"Siya ang first love ng lola mo, ngayong hindi na siya nakakaalala, siya ang bukang bibig ng lola mo kaya naisipan kong sundin na lang ang kanyang kagustuhan," ang sabi ni lolo habang nakatitig lang sa kanilang dalawa.

Tumulo na ang luha ko, naaawa ako kay lolo pero nakikita ko rin na masaya si lola.

Kinabukasan, nakita na naming umi iyak si lolo habang nakasubsob ang mukha sa kamang hinihigan ni lola.

"Bakit po lo? Anong nangyari?" Ang sigaw ko

"Wala na ang lola mo, ngunit si Ricardo pa rin ang kanyang hinahanap," ang sabi ni lolo.

Dahan dahan kaming lumapit kay lolo, hinawakan niya ang kamay ni lola at sinabing, "Kung sa panaginip na lang kita makakasama, matutulog na ako ng habang buhay."

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon