Regrets In Vigan

124 11 10
                                    

"Shit! Late na 'ko!"

Tumatagaktak ang pawis sa kaba habang kumakaripas nang takbo papasok sa paaralan.

Nasa harapan na ako ng gate ng school; nagangatog ang aking mga tuhod sabay napatingin sa 'king gusot-gusot na uniporme.

"Unang araw ng pasukan, pero mukha na agad akong nilamukos na papel," pagkamuhi ko sa 'king sarili at nagmadaling pumasok sa gate.

Tiningnan ko ang bawat numero na nakasulat sa itaas ng pintuan ng bawat silid, sabay tingin sa numero na nilista ko sa isang pirasong papel.

"Ito na siguro 'yon," bulong ko at tinanaw ang mga estudyante na nasa loob nito.

Hindi ko alam ang gagawin, nangangatog ang aking mga tuhod at pinagpapawisan. Natatakot ako na baka pagpasok ko ay pagalitan ako ng guro dahil late ako, o pagtawanan nila dahil mukha na akong pauwi. Ngunjt nilakasan ko ang aking loob at sumilip sa pintuan ng silid.

Napatingin sa 'kin ang lahat.

"Hi, sir..." bati ng aming guro habang pinagmamasdan ako sa may labas ng pintuan.

"Ah... I-I'm s-sorry, I'm l-late ma'am..."

Napakagat labi ako at napatingin sa 'kin ang buong klase.

"May I know your name?" tanong sa 'kin ng aking guro sabay tingin sa papel na hawak niya.

"Ako po si... M-Manuel Trinidad."

"Okay. Ikaw pala si Mr. Trinidad? ?Maupo ka roon sa tabi ni Ms. Alfonso," aniya.

Dali-dali akong pumasok at umupo sa upuan – sa tabi ni Ms. Alfonso.

Lumingalinga ako at pinagmasdan ang mga mukha ng aking mga kaklase.

"Ayan na muna ang inyong magiging upuan hangga't wala pang seat plan,"  narinig kong sinabi ng aming guro.

Napatingin ako kay Ms. Alfonso at nahuli ko siyang nakatingin naman sa 'kin. Ngunit agad niyang nilihis ang kanyang tingin.

Napalunok ako at medyo nangiti kasi in that moment, I knew she's the right one.

Palihim ko s'yang pinagmamasdan dahil napakaganda n'ya at mukhang matalino. Ngunit nahuli n'ya rin akong tinitignan s'ya, agad ko namang inilihis ang aking tingin.

Pinagpawisan ako ng bahagya, hindi dahil nahuli n'ya 'ko, kun'di dahil kinikilig ako.

"Ang next na magpapakilala ay si Mr. Trinidad," wika ng guro namin, ngunit hindi ko ito narinig dahil tulala ako at tila ba'y malalim ang iniisip.

"Mr. Trinidad?"

Kinalabit ako ni Ms. Alfonso at nagising akong bigla.

"Ay... Sorry," sabay nahiya at ngumiti ng pilit.

Napalunok ako "ah... My name is Manuel Alfonso..." Biglang nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang aking sinabi. "SHET!" Sabi ko sa'king isipan "anong nasabi ko?!"

Napatakip ng bibig ang mga babae kong kaklase at kinilig.

"YIEEEEE" Sigaw nilang lahat.

Lalo akong pinagpawisan at napakamot ng ulo. Tawa naman nang tawa si Ms. Alfonso sa tabi ko.

"Sorry, Trinidad pala," ani ko at natawa.

"Ganon na ba ako ka remarkable?" Biro ni Ms. Alfonso.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin at natatawa kapag naaalala ko ang aking nasabi.

"It's okay, by the way my name is Carla, Carla Alfonso."

Nagkamayan kami habang nakatitig sa isa't-isa, nanginginig ang aking kamay dahil ako'y kinikilig.

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon