Daluyong

144 10 0
                                    

Naaalala mo pa ba nung magtatakip silim at nasa tabing dagat tayo? Ninanamnam ang simoy ng hangin at pinakikinggan ang lagaslas ng alon.

"Sana, tulad ng mga alon sa dagat na walang tigil ang paghampas sa dalampasigan at ating pag iibigan," sabi mo at kumuha ng tig isang bato.

Sinulat mo ang pangalan mo sa isang bato, at sinulat ko naman ang akin sa isa pa at sabay natin ibinaon sa buhangin ngunit hindi malalim.

Nang ito'y balikan ko ngayon, nag ngangalit ang alon at madilim ang kalangitan na animo'y may bagyong paparating.

Nakita ko ang bato kung saan mo inukit ang pangalan mo ngunit yung akin ay...wala na.
Tulad ng pag iwan mo sa'kin sa gitna ng unos.

Masaya akong makita kang nananatiling masaya, sa piling ng iba... Ngunit ako, ito, hinayaan mong anurin at malunod na lang basta.

Naiintindihan ko na hindi mo ako nasagip kasi tulad ka ng bato na wala ring kamay, at naging bato na rin ang puso mo, wala rin naman akonh kamay para kapitan ka dahil patuloy ka rin naman ina agaw at nilalayo ng iba.

Siguro nga'y hindi tayo ang para sa isa't - isa, siguro minarapat na malunod at ilagay ako ganitong sitwasyon dahil ang mga kaaway ko ay hindi marunong lumangoy at para na rin matuto akong lumangoy ngunit kapag ikaw na ang inanod, pasensya na, natuto akong mag isa, iligtas ka sana niya.

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon