Sky And Archer: Almost That April

469 40 7
                                    

Pumapasok ang sinag ng araw sa bintana ng aking silid ng hapon na 'yon.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang computer set, nintendo switch, playstation, at mga game card case nito na nakahilera sa shelf na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.

My name is Archer, I'm 21 years old and my hobby is playing games, o sa madaling salita, isa akong gamer.

Huminga ako nang malalim at saka tumayo.
Lumapit ako sa mga gamit ko at isa-isa ko itong hinimas habang nakatitig sa mga ito ng may halong lungkot at panghihinayang.

Narinig ko ang langitngit ng pinto at nakita kong pumasok nang dahan-dahan ang aking ama.

Nakita n'yang hinahawakan ko ang mga ito at lumapit siya sa'kin.

Tinapik n'ya aking likod at ito'y himihas-himas rin. "Ayos lang 'yan. Makakabili rin ulit tayo ng bago," saad n'ya at ngumiti.

Pineke ko ang aking ngiti habang nakatingin sa kan'yang mga mata. Alam n'yang sa mga mata ko ay hindi ako masaya.

Na-bankrupt ang business namin at roon lang kami umaasa, so I have to give up these things that I used as an escape from the words I can't tell.

My father is trying to look for a job as early as he can para matustusan ang mga gastusin sa bahay. Walang trabaho si mama kaya kailangan kong ibenta ang mga gamit na matagal kong hinangad at pinag-ipunan upang mabili.

"'Nak, you're a gamer, right?" Ani papa habang nakatitig sa'kin nang nakangiti. "Remember that a gamer doesn't die, they respawn."

Tumango ako at hindi ko lubos akalain na tutulo aking luha.

My father hugged me so tight and I know there's hope in his warm embrace.

Tinapik n'ya muli ang aking likod at saka umalis ng aking silid.

Napabuntong hininga ako. Matapos nito'y isa-isa ko ng nilitratuhan ang mga gamit na ibebenta ko online.

I gathered the information of each item and posted it on some online marketplaces.

After a while ay may mga nag me-message sa'kin para tanungin ang status ng mga item at kung magkano ang mga ito.

May isang nag-message sa'kin na gustong bilhin ang lahat ng game card o bala ng aking nintendo switch. Ngunit napansin kong dummy account ang gamit n'ya kaya nag-hesitate akong ipagbili ito sa kan'ya.

Sabi niya ay nakatira lang siya sa isang condo sa likod ng isang malaking mall, at naghahanap ng second hand na mga bala para rin sa kan'yang nintendo switch.

Gusto n'yang magkita kami sa mataong lugar upang mabawasan ang aking pangamba - gusto n'yang magkita kami sa loob ng mall na iyon.

Dahil desperado na 'ko, kahit may pangamba ako na baka hindi n'ya 'ko siputin o masayang lang ang aking oras ay pumayag na 'kong makipagkita sa kan'ya.

I don't want to expect too much. Bahala na.

Bumangon na 'ko mula sa pagkakahilata sa kama at isa-isang binalot ang mga bala na kan'yang binibili, at saka isinilid sa isang paper bag.

Kahit na nakakalungkot at mabigat sa'king kalooban na kailangan ko ng isuko ang mga ito ay inisip ko na lang na makakatulong ito sa'min.

Matapos kong mag-ayos at magbihis ay dali-dali na 'kong umalis ng bahay at nagtungo sa mall na 'yon.

Pagpasok ko sa entrance ng mall ay napahinto ako sandali at pinagmasdan ang buong paligid.

Napalunok ako at huminga nang malalim.

Stories To Tell In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon