One Rainy night yun ang pinaka masayang nangyari sa atin dalawa, malaya na tayo mula sa magulong mundo na ginagalawan natin sinta. ikaw at ako lang wala nang iba.
Nag sasayaw sa gitna ng ulan walang tao, tahimik ang mundo. Walang manghuhusga wala naman kasi makakakita.
Sa unang pagkakataon naramdaman natin ang Pagmamahal ng isa't - isa, pagmamahal na walang manghuhusga ikaw at ako sa atin maliit na Mundo.******
"Melissa alam mo naman diba hindi kayo pwede ni Rox"
"Bakit ba hindi kami pwede direk bobet? Ano ba problema nagmamahalan kami! "
"It's our Rule Melissa! Bawal ang magkarelasyon sa show natin! "
"Pero bakit si Billy at Coleen? bakit sila pwede? B-bakit kami hindi?"
Umiiyak na saad ko gusto ko na makawala sa mundong ito maging malaya sa lahat, masikip magulo maingay ang mundong Ginagalawan namin Ni Rox.
"basta kailangan niyo na maghiwalay ngayon din! "
Hindi ko na siya muli pang hinarap tinalikuran ko na ang aking Ama.
Tatay ko siya in real life. sakal na ako sa kanya pang sarili lamang ang kanyang iniisip.Pumunta naman ako sa silid nang Mahal ko na si Rox nakita ko naman siya nagpupunas ng mga luha.
"Mahal"
"Melissa" agad naman niya ako niyakap.
"Mahal ko umalis na tayo sa mundong to hindi ko na kakayanin pa na mawalay ka sakin, mahal na mahal kita Melissa "
"Mahal kita Rox sasama ako sayo, sakal na sakal na din ako sa mundong ginagalawan nating ito!"
Maulan na gabi, walang iba magkasama tayo lamang dalawa.
"Magsayaw tayo Mahal, walang tao malaya tayo dito"
Nagsayaw lang kami sa gitna ng ulan, napakasarap sa pakiramdam ang ulan na pumapatak ay saksi sa amin pagmamahalan.
"Mahal kita Melissa, ipangako mo sa akin na lagi ko nang makikita ang mga ngiti na yan"
Hinalikan mo ako nang matagal, sa unang pagkakataon nahalikan din kita na walang manghuhusga.
"Ikaw lang Ang mamahalin ko Rox, kahit na parehas tayong nasa magulo at masikip na mundo"
Yun nga ang pinaka masayang gabi ngunit iyon din ang huli. Mahal bakit ka nagpaalam? Akala ko ba tayo ay walang iwanan?
Gabing malaya, ay gabi din pala nang pagluluksa. Pagluluksa sa iyong pagkawala."Melissa Anak"
"Masaya ka na? Napaghiwalay mo na kami dalawa, nasagasaan si Rox at dead on arrival siya. "
"Anak I'm Sorry "
Lumipas ang buwan ngunit hindi na nila ako nasisilayan, ang ning ning nang bituin ay unti unti na nga nababawasan.
Huling sayaw sa ulan na ikaw ang kasama antayin mo ko, magsasayaw muli tayo.*****
Pinaka masayang ulan ngayon ay humahapdi na sa aking katawan.
Sa lugar kung saan naging malaya, dun din pala hindi makakawala.Hikbi ang maririnig sa tahimik na daan hangang sa ikaw ay muling mapadaan sa kalsada kung saan ikaw ay lumisan.
"Mahal ko patawarin mo ko wala ako sa tabi mo, pero pinangako mo na hindi ko na muli makikita ang mga luha mo"
" Mahal isama mo na ako sa mundo mo, hindi ko na kaya ang wala ka sa tabi ko"
*** unti unti pumikit ang mata sa gabing iyon alam ko na.
"mahal Melissa nandito na muli tayo sa lugar na kung saan malaya tayo, sa lugar na ikaw lang at ako"
"isang gabing Maulan muli tayong sumayaw aking mahal"
Huling sayaw sa malayang gabi ng pagmamahalan sa gitna ng ulan.
****