Star's POV.
It's been a month ng sinagot ko si Moon, grabe napakasaya non. Nag propose kasi siya to be my bf doon sa bangka habang lumalaot para mamasyal. That was very special for me, everyone knows den except kay Sky basag trip kasi yun e.
Kaya ito nagpeprepare ako ng food kasi dapat date namin tsaka 1st month na namin e.
"nandiyan na si Moon and Sky'' anya ni mommy na nasa dalampasigan para salubungin yung dalawa.
" O ano kamusta pagdadive niyo? Halika kumain na tayo " anya ko naman kasi panigurado pagod sila dalawa.
Hindi naman ako pinansin ni Sky dire-diretso siyang naglakad papuntang bukohan, kaya binalewala ko na lang ano kaya problema non.
"Love nag enjoy ka ba? "
" of course sobrang sarap sa feelings sana soon tayo naman"
"jusko si Sky nga di mapatry sakin ikaw pa? "
"oo naman kaya ko, happy 1st month " sabay kiniss niya ako nang mabilisan sa aking labi.
Sky POV.
1st month hahahhaha what a nice lie Star. Umalis na lang ako kesa pagmasdan pa yung mga masasakit na nakikita ko, umuwi muna ako para makapag banlaw bago pumunta sa aking trabaho sa bukuhan.
"pare sila na ah'' salubong naman sakin ni teddy.
" and so ano pake ko" simpleng sagot ko na lang ayaw ko kasi talagang pag usapan.
" sabi sayo tol aminin mo na e, naunahan ka tuloy "
Hindi na lamang ako sumagot at mas pinili ko na lamang gawin ang mga nakapending na gagawin ko.
********
" Where is he na ba?! It's been 5months wala padin kayo nahahanap na Moon Navarro?! "
" Sorry Miss Anne we do everything po"
" 5 months ko na naririnig sa inyo yan! Get out! "
It's been 5 months nang mawala ka Hays where are you Moon? Ang dami na natin pending na projects.
Kasalanan ko ba bakit ka umalis?" Mam? "
" yes? Who are you? " bigla kasi may pumasok sa kwarto ko habang umiiyak ako eh.
"we found Mr. Moon Navarro they said nasa sorsogon daw po siya.
Agad naman ako napatayo sa nalaman ko.
" Where in Sorsogon?! "
" hindi pa po namin alam saan ang exact place kung nasaan po siya sa sorsogon. "
'' you only have 1 month to search iuuwi niyo dito si Moon whether he likes it or Not! "
" Yes Mam Anne''
I cannot be alone Moon mahal na mahal kita. I hope na sana ako parin yung mahal mo.
Fast forward.
After 1 month.Star's POV.
1 month ko nang hindi nakakausap o nakakasama ang bestfriend ko, lagi siyang busy tapos kapag kakausapin ko naman umiiwas siya. Ano ba nagawa ko sa kanya hindi naman siya ganon sakin before. Kahit nga nung nasugatan ako sa bukohan parang wala lang sa kanya e dati siya unang magagalit at pupunta para sakin.