Hating Gabi nang maisipan namin ng kasintahan kong kumain sa labas. Nagugutom na kasi ako at tinatamad nadin magluto dahil madaling araw na nga at maghuhugas pa.
2:30 narating na namin ang resto silog na paborito namin kaininan,
Habang masaya kaming kumakain ay bigla na lamang siya nagsalita."Mahal mo ba ako? "
Napakunot noo naman ako sa naitanong niya.
"Oo naman bakit mo natanong? "
Dama ko naman na tinititigan lang niya ako habang kumakain.
"Mukhang nasasarapan ka sa kinakain mo Trisha ah" nakangiting saad niya.
Tumango lamang ako at hindi pa agad makapagsalita dahil sa madaming laman ang bibig ko.
"Malinamnam ba yung adobo silog na kinakain mo? "
"Oo sobrang sarap, parang sumarap nga ang luto at ang karne nila ngayon eh kakaiba ang lasa, malambot tsaka manamis namis" saad ko naman at kumain muli.
"Sige Enjoyin mo ang pagkain mo Mahal, gaya kung pano mo enjoyin ang Pinsan ko sa kama"
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"S-Seb? "Tinitigan niya lang ako at ngumiti.
"Masarap ba ang kinakain mo? Nalasahan mo na ba ang Pinsan ko? "
Dahan dahan akong tumingin sa kinakain ko hangang sa marealize ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
Agad agad akong Pumunta sa banyo nang marealize kong karne nang Tao ang kinakain ko.
Nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita sa likuran ko.
"Trisha sabi ko sayo wag ako ang tatraidurin niyo"
Akmang lalabas na sana ako nang bigla niya akong saksakin.
"S-Seb" tinignan ko siya hangang sa mawalan na lang ako ng buhay.
*****
"Sir masarap po ba ang pagkakaluto ko sa liempo niyo? " sabi ng isang Crew
"Napaka sarap, tamang tama lang ang pag luto mo sa karne nang kasintahan ko at sa kabet niya na pinsan ko"
End.
YOU ARE READING
Vhoice Random/One Shot Stories.
Fiksi PenggemarRandom Stories and One shot for Vhoice