The day after that happened, I feel numb. Hindi ako umiiyak. Parang wala akong maramdamang kahit na ano. Para akong namanhid. Walang lumalabas na luha sa mga mata ko.
I knew it will happened, pero hindi pa rin pala 'ko handa.
Nang gabing mangyari 'yon, I didn't cry. I didn't shed a single tear. I don't know why. Napagod na siguro ang mga mata ko kakaiyak. Naubos na siguro ang mga luha ko kaya gano'n.
Matapos isugod si Ali sa ospital nang gabing 'yon, hindi ako lumabas ng kwarto ko. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at tinatapos ang paintings ko na kwento naming dalawa. Ilang araw ko nang ikinukulong ang sarili ko rito sa kwarto ko at nagpipinta lang matapos mangyari 'yon. I think, it's been a week since that happened pero sa isang linggong 'yon, hindi pa 'ko ulit nakakalabas.
Kahit na ipinipinta ko ang mga nangyari sa 'min ni Ali, ni hindi man lang ako naluluha.
Ayos lang ako, Ali. Ayos lang ako, hindi ba? Kasi hindi naman na 'ko umiiyak e. Tanggap ko ang nangyari at ang mangyayari pa. Tanggap na tanggap ko na. Tanggap ko na kasi hindi na 'ko umiiyak. Hindi na 'ko naaapektuhan.
"Kuya!" Tawag sa 'kin ni Gin mula sa labas ng kwarto ko. "Kuya, ano ba?! Hindi ka ba talaga riyan lalabas?! Magkukulong ka na lang ba talaga riyan?! Hindi mo ba siya pupuntahan?!"
Hindi ko siya inintindi. Nagpatuloy lang ako sa pagpipinta ko na parang wala akong naririnig.
I don't want to see her in that state. I don't want to see her like that.
"Kuya." Muling pagtawag niya sa 'kin. "Hinihintay ka niya."
Napatigil ako sa pagpipinta ko nang sabihin niya 'yon.
"Hinihintay ka ni Ate Ali. Gusto mo ba talaga 'yon? Gusto mo ba talaga siyang maghintay sa 'yo nang matagal? Ayaw mo naman no'n, 'di ba?"
Marahan kong naibaba ang kaliwa kong kamay na siyang may hawak no'ng paint brush.
"H'wag kang magkulong diyan. 'Wag mong itago lahat ng nararamdaman mo riyan sa puso mo. Ilabas mo 'yan, Kuya. Ilabas mo lahat. Maging matapang ka naman! Magpaka-lalaki ka naman! Umiyak ka. Umiyak ka nang umiyak. Kung nasasaktan ka, ipakita mo. Ipakita mong sobra kang nasasaktan. 'Wag kang magpanggap na okay ka kahit hindi. 'Wag mong itago riyan sa loob mo ang totoo mong nararamdaman! And after that...go to her. She's waiting for you."
Parang naging signal ang mga sinabi niyang 'yon para sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nakatitig lang ako sa ipinipinta ko pero walang humpay ang pagbuhos ng mga luha ko.
Akala ko pagod na 'kong umiyak. Akala ko okay na 'ko. Akala ko tanggap ko na. Akala ko lang pala ang lahat.
Masakit pa rin. Hindi ko pa rin tanggap. Hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa kaniya.
She isn't dead. But that night, when she fell asleep while I was hugging her in my arms, hindi na siya nagising. She's in a coma right now. Nasa ICU siya at hindi namin alam kung kailan siya magigising o kung magigising pa siya.
Nangyari ang ikinatakot naming lahat. She isn't dead, yes, but she's hanging onto her life. Hindi alam kung magigising pa. It's much worse than her being dead kasi hindi namin alam kung isusuko na ba namin siya o ilalaban pa.
Nabitawan ko ang hawak kong paint brush saka napahagulhol nang malakas. Pinakawalan ko lahat. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa iyak na 'yon.
Napayuko ako habang patuloy na umiiyak. Napuno nang malalakas kong hagulhol ang buong kwarto ko. Napatakip ako sa mga mata ko habang patuloy ang paghagulhol ko.
Ang sakit-sakit, Ali. Ang sakit-sakit. Tell me what to do now. Do I need to let you go now? Lalaban pa ba 'ko at aasang babalik ka pa sa 'kin? Please, tell me what to do. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Ali.
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...