Warning:Violence, strong language and bullying.
"Mamatay ka na!mamatay ka na!mamatay ka na, mamatay ka na!aaaahhhh!"
"Ate...ate..."nagmulat ako ng mata ng maramdaman ko ang mga tapik ng kapatid ko sa pisngi ko, ginigising ako. Hinihingal akong umupo sa kama at tumingin tingin sa paligid.
"A-ano...Ace."hinihingal na sambit ko.
"Nananaginip ka ng masama. Malapit na ang alas siete, umalis na si papa."
Tinalikuran ako ng kapatid ko at lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa ulo ko habang inaalala ang panaginip ko kanina. Ayun na naman. Bumalik na naman ito.
Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding. September 7 pala ngayon, kaya naman pala napanaginipan ko na naman. Birthday ko ngayon. Tumayo na ako sa kama at inayos ang higaan. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ulit ako ng kwarto para magluto ng agahan.
"Umupo ka na."
Medyo nagulat ako ng maabutang may pagkain na sa mesa. Mukhang si Ace ang nagluto ng lahat ng 'to.
"Happy birthday ate. Wala akong regalo para sayo kaya pinagluto na lang kita ng agahan."nahihiyang aniya kaya maliit akong napangiti.
"Salamat, Ace."
Sa pamilyang ito tanging si Ace lang ang tinuturing kong pamilya. Nandidiri ako kapag naiisip na sina mama at papa ang naging magulang namin. Hindi ko minsan maiwasan na magsalita ng hindi maganda sa Diyos kapag sinasaktan kami ng demonyo naming ama at kapag naalala ko ang pang-iiwan ng walang kuwenta naming ina.
Sabay kaming lumabas ni Ace sa maliit naming apartment. Malakas akong nagpakawala ng hininga ng makita ang isang check sa katabi naming pintuan. Singilan na naman. At paniguradong kita ko sa mga part time ko ang ipambabayad namin.
———
"Oops, sorry."nagtawanan ang grupo nina Trina ng sadyain akong banggain ng bruha. Natapon sa sahig ang dala kong pagkain kaya napalunok na lang ako. Ang tanghalian ko ay wala na."bumili ka na lang ulit. Puwede ring ibili kita, since...birthday mo naman."
Dahan dahan kong tinaas ang masamang tingin ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya at halatang hindi natitinag sa tingin ko.
"Bakit?aangal ka?"tumawa siya."guys!bakit naman hindi pa kayo kumakanta ng birthday song?birthday ngayon ng prinsesa natin kaya kumanta na kayo!"
"One, two, one two three...happy birthday to you~happy birthday to you~."
Lumuhod ako at sinimulang pulutin ang mga nagkalat na kanin at ulam. Nagpatuloy pa rin sa pagkanta ang mga kaibigan ni Trina habang siya naman ay pumunta sa harapan ko.
"Ganyan ba kayo ka-hirap at hindi ka man lang makabili ng bagong pagkain?kawawa ka talaga. Haay, sige na nga, ilelebre na kita. Since birthday mo naman at ayokong...magmukha kang kawawa."
Nagtawanan ulit sila pero hindi ko sila kinibo, gaya ng palagi kong ginagawa. Hindi yun nagustuhan ni Trina kaya hindi na ako nagulat ng tapakan niya ang kamay ko na pinupulot pa rin ang kalat. Napangiwi ako sa sakit dahil sa pagkakadiin niya.
"Hoy, pulubi, hihihi, happy birthday."aniya ng may mala-demonyong ngiti sa labi. Dahan dahan akong nagtaas ng tingin sa kanya kaya mas lalo kong nakita ang nakakainis niyang pagmumukha.
Padabog kong binuksan ang pintuan ng Cr ng mga babae at agad na humarap sa salamin. Mabigat ang paghinga ko at galit ang tingin sa sarili.
"Bakit ba ayaw mong lumaban?"bulong ko sa sarili habang pilit kinakalma ang dibdib ko.
YOU ARE READING
The Beast And The Prince
Teen FictionKung sa beauty and the beast nakaya ni Belle na pamahalin ang beast...kaya kayang paamuhin ni Peter si Ame?