Chapter Six

0 0 0
                                    

"Pahingi ako ng number mo."sabi ni Peter habang tumutusok ng fishball. Kakatapos lang ng klase namin ngayon araw at niyaya niya akong kumain ng fishball. Hinala nga at hindi ako nilapitan ngayon ni Trina eh.

"Hindi puwede."

"Bakit?magliligaw mo ako kaya dapat lang ibigay mo sa akin ang number mo."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Mapupuno ang contact number ko. Tsaka hindi ko memorize ang number ko. Nasa apartment lang ang cellphone ko."

"Bakit hindi mo dinadala?"

"Walang telepono si Ace kaya wala ring silbi kung dadalhin ko lang yun. Tsaka hindi naman palagi tumatawag si tita eh."

"Pano kapag may kailangan kang i-search?"

"May libro."

Nagmura siya sa inis. Pinilit niya pa ako ng ilang minuto hanggang sa tumigil rin siya. Namumula ang pisngi ko kapag napapatingin ang ibang tao sa amin. Hawak niya kasi ang bag ko at nakabusangot na nauunang naglalakad sa akin. Para siyang batang kinuhanan ng candy sa itsura niya.

Humabol ako ng lakad at sinabayan siya. Masama pa rin ang timpla ng mukha niya at kasabay non ay ang pag-iwas niya ng tingin.

"Bakit ba gusto mong kunin ang number ko?"

"Kasi nga manliligaw mo ako."

"Bukod sa manliligaw kita. Bakit?"

Malakas siyang bumuntong hininga bago tumingin sa akin. Namumula ang pisngi niya kaya pinaningkitan ko siya ng tingin.

"Gusto kitang makausap palagi. Kahit sa cellphone man lang, ok na."

Tumaas ang dalawang sulok ng labi ko sa sinabi niya. Mas lumakas din kesa normal na tibok ang puso ko dahil don. Ayun na naman ang pakiramdam na parang may lumilipad na mga paru-paru sa tiyan ko.

"Baduy."bulong ko.

"Seryoso ako Ame. Gusto kitang makausap palagi. Sige naman na oh, yung number mo."

"Ayoko."

Nauna akong maglakad kaya naiwan siya sa likuran, nakayuko at hindi gusto ang nangyayari. Dahan dahan akong napangiti ulit habang inaalala ang number ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"09*********."

"Ame!"humabol si Peter kaya mas binilisan ko ang paglalakad."Ame!ulitin mo!"

Mula sa paglalakad napatakbo na lang ako ng habulin na ako ni Peter. Naghabulan kami sa kalsada at hindi pinapansin ang mga tao sa paligid namin. Ng mahuli ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Hinihingal ako kaya binawi ko ang kamay ko para hawakan ang dibdib. Kahit siya ay hinihingal pero pareho parin kaming nakangiti. Ganito talaga siguro kapag kasama mo ang taong nagpapatibok ng puso mo.

"Ame."

"Hhm?"

"Ang ganda mo."

Tumulo ang isang luha sa mata ko pagkatapos niya yun sabihin. Ito ang unang beses na may nagsabing maganda ako. Ang sarap sa pakiramdam. Umiiyak man ngumiti pa rin ako sa kanya.

"Salamat, Peter."

———

"Umuwi ka na, anong oras na oh."

"Hihintayin na lang kita. Ihahatid rin kita don sa bar na susunod mong pagta-trabahuan."pamimilit niya kaya napairap na lang ako.

"Umuwi ka na sabi eh. Baka nag-aalala na ang pamilya mo."

The Beast And The PrinceWhere stories live. Discover now