Chapter Three

0 0 0
                                    

Warning: Strong language

Tahimik lang ang mesa habang kumakain kami ng agahan. Mukhang aalis si papa dahil maayos ang sout niya at maaga siyang nagising. Hindi pa siya lasing.

"Peste naman oh!hindi ka ba marunong magluto?pati tamang timpla ng itlog hindi mo makuha?"mura ni papa sa akin ng matikman and itlog naming ulam."wala bang mas masarap diyan Ame?"

"W-wala hong grocery. Hindi naman kasi kayo nagbigay ng p-pera."

"At problema ko pa yun?Anong silbi ng kita mo sa trabaho mo kung hindi mo yun gagamitin dito sa bahay?p*ta naman oh!ang ganda ganda ng gising ko sinira mo lang peste ka!haays!"malakas siyang bumuntong hininga at napunta kay Ace ang tingin."kumain ka ng marami bata."

"O-oho."nanginginig na sagot ng kapatid ko. Hinawakan ko sa ilalim ng mesa and kamay niya na hindi niya ginamit sa pagkain para pakalmahin siya. Masyado siyang nanginginig.

"Ang payat payat mo na...mas lalo kang nagmukhang...babae."

Napangiwi ako ng makita ko ang pagngiti ni papa habang malagkit na nakatingin kay Ace. Tinaas niya ang kamay niya at dahan dahang inabot ang nakayukong mukha ni Ace. Handa na akong tampalin ang kamay niya ng may biglang kumatok sa pintuan ng apartment namin.

"Henry!nandiyan ka ba?! anong oras na hindi na tayo aabot sa diyep niyan p*tang*na!bilisan mo!"

"Andiyan na!"masama akong tiningnan ni papa."dapat masarap ang pagkain natin mamaya sa hapunan. Kuha mo?"

"Pero-"

Tinalikuran lang ako ni papa at lumabas na siya ng apartment. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Ace kaya tiningnan ko siya.

"Ayos ka lang?wala na siya. Kumalma ka na."

"Ate..."

"Wag kang mag-alala, nandito naman ako para protektahan ka."

Anong klaseng tingin yun pa?

———

Dinala ko sa unang trabaho ko ngayong sabado si Ace. Ang katabi kasi ng cafe na pinagta-trabahuan ko ay isang maliit na library. Naaliw ang librarian doon na siyang may-ari ng maliit na library kay Ace dahil matalino naman talaga ang kapatid ko. Halos lahat ng tanong niya dito ay nasasagot agad ng kapatid kong matalino.

"Sige ate."tinanguan ko si Ace bago siya pumasok sa library.

May apat akong trabaho sa sabado. Waitress sa isang café, waitress sa isang restaurant, namimigay ng flyers at sa gabi naman ay sa bar. Mabuti na lang at hanggang ngayon hindi alam ni Ace na nagta-trabaho sa bar kung hindi baka magalit pa ito sa akin.

Nasa counter ako nung biglang sinabi ng isa na ako muna ang magbantay doon. Pumayag naman agad ako at binati ang lahat ng costumers na umu-order.

"Good morning sir what can I get for you-"natigil ako sa pagsasalita ng makita sa harapan si Peter na nakangiti."p-peter."utal ko.

"Nagta-trabaho ka rin dito?"tanong niya sa akin halatang gulat rin sa nangyayari. Unti unti akong tumango bago ginising ang sarili.

"Anong sayo?"sinabi niya ang order niya na agad ko namang nilista. Bumalik na yung katrabaho kaya umalis na ako doon sa puwesto at bumalik sa paglilinis.

"So...Isa rin ito sa part time mo?"biglang tanong ni Peter sa akin habang naglilinis ako ng bintana na nasa tabi ng mesa niya. Tumango ako."gaano ka-rami ang part time mo?"

"Marami. Kailangan kong kumita para mapakain ko ng masarap na pagkain si Ace."at ang tatay naming gago.

Saan kaya ang punta non ngayon at may kasama pa siyang katulad niyang walang ambag sa mundo?ang ayos ng itsura niya kanina na talagang aakalain mo na isa siyang santo. Parang sa isang iglap naging kamukha niya si papa Joseph. Hay ang kapal ng mukha niyang mag-reklamo at mag-request ng mas masarap na pagkain. Ang sarap kaya ng itlog ko!

The Beast And The PrinceWhere stories live. Discover now