Warning:Bullying
Tahimik kong binuksan ang pintuan ng apartment. Madilim na ang paligid ibig sabihin natutulog na pareho sina papa at Ace. Pumasok ako sa kwarto namin pero wala doon si Ace. Nangunot ang noo ko. Lumabas na naman ba siya?pinuntahan niya na naman ba ako?
Pinuntahan ko ang kwarto nina papa at dahan dahang binuksan ang pintuan. Binalot agad ng takot ang sistema ko ng makita doon si Ace. Nakahiga siya sa tabi ni papa, umiiyak ng nakapikit habang pilit kumakalawa sa hawak nito. Napatakip ako ng bibig at agad siyang nilapitan.
"Ace."bulong ko. Nagmulat siya ng mata at mas lalong naiyak ng makita ako.
Tinulungan ko siyang tanggalin ang kamay ni papa na nakayakap sa katawan niya. Tinayo ko siya agad ng matanggal na namin ang mga ito at niyakap ng mahigpit. Umalis kami ng kwartong yun at pumunta sa kwarto namin at ni-lock ang pinto.
"Anong ginawa niya sayo?sinaktan ka ba niya?saan?"
"W-wala...kararating mo lang?"
Niyakap ko siya ulit ng mas mahigpit. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pinanood kong matulog ang kapatid ko. Hawak niya ang kamay ko at parang takot na takot siyang bitawan ito. 14 years old na si Ace at payat pa siya. Kung lalaban siya kay papa mas masasaktan lang siya. Sakitin pa siya kaya talagang nag-aalala ako kapag nasasaktan siya ni papa.
Minsan iniisip kong isama si Ace sa pagpapakamatay. Puwedeng tumalon kami sa tulay at sabay na malunod. Puwede ring painomin ko siya ng lason at iinomin ko rin iyon. Puwede ring saksakin ko siya tapos sasaksakin ko ang sarili ko. Magkasama pa rin naman siguro kami kahit sa kabilang buhay diba?
Pero lahat ng plano ko hindi natutuloy. Palagi ko kasing naalala ang mga sinabi ni Ace sa akin noong bata pa kami.
"Paglaki ko...magiging pulis ako. Ipagtatanggol ko lahat ng naaapi. Paglaki ko...ikaw naman ang po-protektahan ko ate. Bibilhan kita ng maraming candy gamit ang sariling pera ko gaya ng ginagawa mo!ako ang magiging knight and shining armor mo ate."
Hindi ko maiwasang umasa na baka mangyari yun. Baka kapag nagpatuloy kami sa buhay puwedeng matupad ang pangarap niya. Magkakaroon siya ng mas magandang buhay. Baka sakaling...matapos rin ang lahat ng ito.
———
Tahimik ang boung classroom. Wala kasi si Trina kaya medyo hindi nag-iingay ang mga kaibigan niya. Kinilabit ako ni Peter kaya tiningnan ko siya.
"Bakit?"
"May eraser ka?"
"Wala nga akong ballpen eraser pa kaya?"sarkastikong tanong ko sa kanya bago binalik ang tingin sa binabasa.
Recess at magkasama kaming naglalakad ni Peter ngayon papunta sa canteen. Akala ko hahanap siya ng ibang makakasama pero hanggang ngayon ay sinasamahan niya pa rin ako. Sinabi niya sa akin kahapon bago siya umalis sa bar na pinagta-trabahuan ko, magkaibigan na kaming dalawa.
Ang pasanin ko ay pasanin niya. Ang problema ko ay problema na rin niya. Medyo natawa nga ako sa ka-cornihan niya pero halatang seryoso siya sa mga sinabi niya kaya pinaalis ko na lang siya.
"Anong gusto mo?libre kita."
"May pera ako."
"Pamasahe mo na lang yan mamaya. Anong sayo?ibili kita."pamimilit niya pa kaya medyo nainis na ako.
"Wag na nga. May pera ako."
Sabay kaming pumila sa counter para bumili ng sariling pagkain. Hindi niya naman ako kinulit ulit tungkol sa gusto ko kaya nanahimik na lang rin ako. Sinundan niya lang ako mula canteen hanggang classroom. Para bang ginagawa niya lahat ng ginagawa ko.
YOU ARE READING
The Beast And The Prince
Teen FictionKung sa beauty and the beast nakaya ni Belle na pamahalin ang beast...kaya kayang paamuhin ni Peter si Ame?