Malakas kong pinukpok ang telepono ko sa mukha niya at mabilis na tumakbo palayo. Tinulak ko iyong lalaking nakaharang at inilagan naman ang isa pa bago nagpatuloy sa pagtakbo.
"HABULIN NIYO TANG*NA!"
Mas malo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa makaabot na ako sa labas ng daan. Tahimik na ang boung lugar kaya mas lalo itong nagpadagdag ng takot sa akin. Takbo lang ako ng takbo sa takot na baka maabutan ako ng mga adik na yun.
"Put* bata!bumalik ka rito!"
"MUKHA NIYO!"sigaw ko pabalik sa kanila habang tumatakbo pa rin ng mabilis. Lumiko ako sa isang eskinita para tuluyan na akong makapasok sa daan papunta sa likuran ng building ng apartment namin.
Nililipad ng hangin ang mga luha ko kaya medyo lumalabo ang paningin ko. Ng makaramdam ng pagod ay tumigil muna ako ng ilang segundo bago tumakbo ulit. Nasa ganong posisyon ako nung may biglang tumabi sa akin na lalaki. Sa takot na baka isa iyon sa kalaban ilang ulit ko itong hinampas sa braso.
"Teka!aray!Ame ako toh!ako to si Peter!"
"Peter?!"
Tumigil ako sa panghahampas at umiyak ng lang habang nakatingin sa tumatakbong si Peter. Nagulat ako kasi inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito. Haays!bakit sa ganitong sitwasyon pa siya cha-chancing?!bad timing naman eh!
Kung walang humahabol sa amin ngayon iisipin ko talagang ang romantic nitong ginagawa namin.
"Teka...mukhang wala na sila."
Tumigil kami sa pagtakbo ng makitang wala ng nakasunod sa likuran namin. Tumango tango ako habang nakalagay ang dalawang kamay sa tuhod at hinahabol naman ngayon ang sariling hininga.
"Ayos...ka lang?"tanong niya habang tumataas baba ng parang bola ng basketball ang balikat niya.
"Hhm. Ikaw?"
Tumango lamang siya.
"Tara na."
———
"Sino ba yung mga yun?"nagtatakang tanong niya habang pag-akyat jami sa apartment namin.
"Ginawa kaming pagmabayad ni mama sa inutangan niya. Kaya hinahabol nila ako."
"Bat di ka magsumbong sa mga pulis?"
"Wag na. Lalala lang ang sitwasyon at lumaki pa. Ok na to. Wag mong sasabihin kay Ace ah?kumain ka na?sorry ikaw pa yung tinawagan ko. Wala kasi akong ibang puwedeng hingan ng tulong. Atakihin pa si tita sa puso kapag nalaman niya ang ginawa ni mama."
"Ayos lang. Ang importante ligtas ka."
Ngumiti ako sa kanya. Binuksan ko ang pintuan ng apartment namin at pinapasok. Gising pa si Ace ng makapasok kami at hindi pa raw siya kumakain ng hapunan.
"Bat hindi ka pa kumain?Anong oras na oh."
"Hindi ko napansin ang oras. Tinapos ko pa kasi ang project namin sa aral pan. Bat pawisan kayong dalawa?tumakbo ba kayo?"
"A-aah oo nag-unahan kami."
"Ano kayo?mga bata?"nakangusong tanong niya."iinitin ko lang ang ulam na niluto kanina."tumango ako.
Pina-upo ko sa mesa si Peter pero hindi niya ako sinunod. Tumayo siya at pumunta sa kusina para kumuha ng plato, kutsara at tinidor. Sabay silang dalawa bumalik dala ang ulam at mga gamit sa pagkain.
"Bat nga pala kayo magkasama?"tanong ni Ace habang sumusubo ng ulam."late na ah. Wag niyong sabihing nagkataon lang na nagkita kayo sa pinagta-trabahuan ni ate?"
"Hindi. Tinawagan ko talaga siya."
"Bakit?"
"Kailangan niya kasi ng tulong."sagot ni Peter kaya mahina ko siyang siniko.
YOU ARE READING
The Beast And The Prince
Teen FictionKung sa beauty and the beast nakaya ni Belle na pamahalin ang beast...kaya kayang paamuhin ni Peter si Ame?