Chapter Four

0 0 0
                                    

Mas lalo akong naging bantay sarado kay Ace dahil sa nakita kong reaksiyon kay papa noong nakaraan. Kinakabahan at nandidiri ako sa tuwing naiisip kong may pagnanasa siya sa kapatid ko. Sa sarili niyang anak. Palagi ko na siyang dinadala sa mga trabaho ko tuwing weekdays para hindi niya na kailangang makita si papa o ano.

Baka mangyari ang pinaka kinakatakutan ko ngayon. Nandito kami ngayon sa bahay ng tita namin. Lukot na lukot ang mukha ng pinsan namin habang nakatingin sa aming dalawa ng kapatid ko. Naka-upo kami sa harapan niya. Hindi kasi niya alam na pupunta kami ngayon dito sa bahay nila kaya hiyang hiya siya sa mga kaibigan niya.

"Bakit naman hindi mo sinabing may magandang pinsan ka Lia?"ani nung isa.

"Shut up ka nga Ryan, hindi ka nakakatuwa. At anong maganda?bulag ka ba?"

Inirapan ko si Lia na inirapan rin ako pabalik. Tumawag kanina si tita sa akin sa telepono ng bigay niya rin. Hindi ko naman yun palaging ginagamit at ni hindi ko nga yun dinadala sa paaralan. Nasa bahay lang talaga.

"Sa taas na nga lang tayo. Ayoko na dito sa sala."padabog na tumayo si Lia at naunang maglakad papunta sa hagdan na sinundan naman ng mga kaibigan niyang babae.

Lumapit sa akin ang isang kaibigan nito. Yung Ryan at naglakad ng kamay.

"Hi miss beautiful. Ryan nga pala, it's nice to meet you."

"May boyfriend na siya."singit ni Ace kaya tiningnan ko siya. Binalik niya ang tingin sa akin ng may pagtataka pero sa huli ay ngumiti rin ang loko."Peter Pevensie ang pangalan. Bigatin at dugong bughaw hindi tulod mo na ukay ukay lang ang afford at dugong dilaw."

Padabog na umalis yung Ryan kaya sabay kaming natawa ni Ace.

"Pero hindi naman Pevensie ang apelyido ni Peter eh."

"Eh hindi ko naman sinabing yun ang apelyido niya. Wala rin akong sinabi na si Kuya Peter na kaibigan mo ang tinutukoy ko."nakangiting sabi niya kaya bahagyang namula ang pisngi ko. Nag-iwas na rin ako ng tingin dahil mas lalong namula ang pisngi ko.

Bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok mula doon si tita na...umiiyak.

"Tita?"

Napatayo agad kami at nilapitan ang tiyahin. Inalalayan namin siyang umupo at kumuha pa ng tubig si Ace sa kusina.

"Ano hong nangyari?tita?"

"Huhu Ame...ang mama mo....ang mama mo Ame..."

"Ano hong si mama?nandito na ulit si mama?"

Bigla akong kinabahan. Naalala ko bigla ang sinabi ni Ace sa akin na kukunin siya ni mama. Tinitigan ko si Ace ng makabalik ito dala ang isang baso ng tubig.

"Narinig ko ang pangalan ni mama. Ano hong nangyari kay mama?nakabalik na ho ba siya?"

Umiling iling si tita bago hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit.

"Wala na si Alice. Wala na ang kapatid ko. Patay na siya!"

———

Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng isang morgue kasama si Ace. Sumusunod lang kami kay tita papasok. Giniya kami ng isang lalaki at dinala sa isang kwarto. Doon bumungad sa amin ang isang katawan na natatabunan ng puting kumot.

Nanginig ang kamay ko habang nakatingin sa katawan na natatakpan. Hindi pa rin pumapasok sa sistema ko na ang natatabunan ng puting kumot ay ang taong nagluwal sa akin. Ang mama ko na dapat ay inaalagaan at siyang pomo-protekta sa amin ni Ace mula kay papa ay ngayon wala na.

Ni hindi ko man lang narinig ang salitang mahal kita mula sa kanya. Ni hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya at kahit yakap man lang ay wala. At hindi ko na yun talaga mararamdaman dahil wala na siya.

The Beast And The PrinceWhere stories live. Discover now