Nagpa-lipat lipat ang tingin ko sa kapatid ko at pinto ng kwarto namin. Kanina pa ito sinusubukang buksan ni papa kaya kinakabahan ako. Natatakot ako na baka hipuan niya si Ace habang natutulog ito. Tang*na may mga kasama pa siya sa labas.
"Bakit kasi sinabihan mo ang anak mong i-lock nila ang pinto?!"
"Tang*na ipagpatuloy mo na lang yan puwede?bakit ba hindi mo yan kayang buksan?samantalang yung mga pintuan ng mga p*tang*nang mayayaman kayang kaya mo!nasan ang utak mo bobo?"
"Ikaw kaya ang gumawa nito kesa mag-reklamo ka diyan ng mag-reklamo. Sana kasi sinaktan mo na lang yung anak mong babae para nakatabi mo ng tulog yung anak mong lalaki. Tang*na kang lalaki ka. Kadiri kang gago ka."
"Manahimik ka na lang puwede?"
Humiga ako ulit sa kama at binalot ang mga sarili namin ng kumot ng muntikan ng mabuksan ang pintuan. Mabuti na lang at hindi nagigising si Ace kaya medyo nakakahinga ako ng maluwag.
"Ayan!eto na!p*ta!"
"Tabi!"
"Hoy!sasama ba kayo o ano?!paalis na yung bus nandito pa rin tayo sa apartment ni Henry!ano ba!Tara na!"
"Sandali lang-"
"Piko!Tara na!iwanan mo na nga lang yang lalaking yan!"
"Tang*na naman oh!"
"Pambihira!"
Nakahinga ako ng maluwag ng unti unting nawala ang ingay nila. Ibig sabihin wala na sila. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan para siguraduhing wala na nga talaga sila at ganon na lang ang pagngiti ko ng wala na nga sila.
Wala talagang kuwenta ang lalaking yun. Sinong matinong tatay ang iiwang nakabukas ang pinto kapag aalis ito?halatang walang pakialam sa amin ni Ace. Sinara ko na lang ito at ni-lock bago bumalik sa kwarto namin. Sumilip ako sa bintana mula dito sa kwarto at nakita sina papa kasama ang mga kaibigan nito na nasa labas na ng building.
"Put*!sana naman suwertehen na tayo ngayon. Kapag kasama natin si Henry minamalas tayo eh."reklamo nung Piko.
Napalayo ako sa bintana ng biglang mag-angat ng tingin si papa sa bintana.
"Ayos lang...meron naman akong matitira kung wala tayong makukuha eh."mala-demonyong ngiti nito bago tuluyang umalis.
Tang*nang lalaki. Hindi maputol putol ang titi.
———
Halos magningning ang mga mata ko ng makita ko ang lugar na dinalhan ni Peter sa akin. Amusement park!palagi ko itong nakikita sa tv at mga dramas. Pangarap kong pumunta dito kasama si Ace at mama. Wala naman talaga akong pakialam kay papa kaya hindi siya kasali sa kahit anong plano ko sa buhay.
First time ko dito, seryoso. Nung bata ako hindi ako pinapapasok kasi wala raw akong entrance fee at wala rin akong kasama. Namamalimos pa ako non para lang magkaroon ng pera pambayad ng sinasabi nilang entrance fee.
Para akong sirang plaka na paulit ulit na tumili habang nakatingin sa mga rides. Ilang beses kong hinampas si Peter sa braso kaya tawa naman siya ng tawa. Tang*na!sana pala dinala ko si Ace!
"Bat hindi mo sinabing dito tayo pupunta?ede sana nasama natin ang kapatid ko."excited na aniko sa kanya ng hindi inaalis ang tingin sa roller coaster na kanina pa tumataas baba.
Wala akong nakuhang sagot kay Peter kaya nilingon ko siya. Nakabusangot siya kaya nagtaka ako."Bakit?"
"Puwede bang kahit ngayong araw...ngayong araw lang...wag mo munang isipin ang kapatid mo ang ibang bagay. Ako yung nandito kaya dapat nasa akin lang atensiyon mo. Ako lang ang isipin at alalahanin mo."malakas siyang bumuntong hininga."puwede ba?...Ame?"
YOU ARE READING
The Beast And The Prince
Teen FictionKung sa beauty and the beast nakaya ni Belle na pamahalin ang beast...kaya kayang paamuhin ni Peter si Ame?