Chapter One

0 0 0
                                    

Warning: Violence

"Ano ba Ame!umayos ka naman ng tayo!malapit ng gumabi oh!"reklamo ni Trina sa akin. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa ako naka-tayo dito sa gitna ng gym at kanina pa iniinda lahat ng tama na natatamo sa tuwing natatamaan ako ng bola.

"Tanga ka ba?!ang sabi ko umilag ka hindi ba?."

Bobo ka ba?sabay sabay niyo akong bina-bato ng bola kaya paano ako iiwas?pinapalibutan niyo pa ako. Mga talunan na nga wala pa kayong mga utak. Mahiya naman kayo!

Natamaan ako sa bandang mukha kaya dumugo na naman ang ilong ko. Pangatlong beses na to kaya natigil sila ulit sa pambabato.

"Seryoso ka ba Haberas?!"

"Pambihira naman oh!"

"Hindi pa ba yan mahuhulog?hahaha!"

Pinigilan ko ang sarili kong patulan sila. Ilang beses kong sinabi sa sarili na mga talunan sila at kapag pinatulan ko sila magmumukha rin akong talunan. Pinigilan ko na lang ang pag-dugo ng ilong ko gamit ang kamay ko.

Bumukas ang pintuan ng gym kaya napatingin kaming lahat doon. Pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad lang namin. May hawak siyang mga panglinis at nakasout ng uniform ng janitor.

"Hindi pa ho ba kayo tapos?"tanong nito ng walang emosyon sa mukha.

"Tingnan mo to. Hoy, bulag ka ba?kita mo ng may ginagawa kami dito tapos papasok ka ng walang paalam?"

"Kanina pa ang uwian kaya dapat nakauwi na kayo."tumigil ang tingin niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa taas para tuluyan ng tumigil ang pag-dugo.

"At tsaka maagang pinapasara ng principal ang gym."

"You don't know who your talking too, right?"ngumiti ang isa sa mga kaibigan ni Trina."well, my friend here is the principal's-"

"Let's go."

Hindi natuloy ang sasabihin nung isa dahil sumingit bigla si Trina. Sumunod ang iba sa kanya sa paglabas hanggang sa kaming dalawa na lang nung janitor ang naiwan. Nagkatitigan kami ng ilang minuto bago ako naunang mag-iwas ng tingin at sinimulang pulutin ang mga gamit ko sa sahig.

Tinulungan ako nung lalaking pulutin ang mga ito. Sinabi kong ako na pero hindi niya ako pinansin kaya medyo nainis ako.

"Matagal ka na nilang binu-bully?"tanong nito bigla sa akin. Nagkibit balikat na lang ako."pupunta ka naman siguro sa clinic para ipagamot ang mga pasa mo diba?"

"Para ano pa?dadag dagan lang rin naman nila ito. Wag na."

Binalik ko sa loob ang mga gamit ko at kinuha ang mga napulot niya."'lamat."

"Mga kaklase mo yun diba?"

"Oo."

"Wala kang kaibigan?"

"Wala."

"Eh kapatid?"

"Ba't ba ang rami mong tanong?daig mo pa ang isang detective."inirapan ko siya at sinout ang bag ko."hoy...wala kang nakita ngayon...kuha mo?"

"Hhm?pano ba yan marami akong nakita."

"Kung gusto mong mag-trabaho ng tahimik dito wag ka na lang mag-ingay. Mas masahol pa sa demonyo ang mga yun."

"Alam ko."

Tinalikuran ko na siya ng tuluyan at lumabas ang gym. Malakas akong bumuntong hininga bago tinahak ang daan papunta sa gate ng paaralan.

———

Hinanap ko sa boung apartment si Ace pero wala siya. Alas dose na kaya bakit wala pa rin siya?kakauwi ko lang mula sa trabaho tapos hindi ko siya maabutan dito sa apartment?pumunta ako sa kwarto ni papa para tingnan kung nandoon siya pero si papa lang ang nakita ko.

The Beast And The PrinceWhere stories live. Discover now