Chapter 06

2 1 0
                                    

The first semester was driving me crazy. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa Calculus na 'yan. That was the only subject that I hated the most... and that was Ace's favorite. Ano ba ang maganda sa Mathematics? All I know is that it was full of numbers and then they just added a what? A letter?! Is that even called Math? With letters? I hate everyone!

"You're sulking again," hindi ko ulit pinansin si Ace dahil noong isang linggo pa niya ako tinatawanan after we finished our examination. Ang sama ng ugali niya. "It was all done, Alana Brielle. Better luck next time."

I gave him a death glared. "I should ban you in my unit for good." I rolled my eyes and continue walking to the hallway.

Halos palagi na kaming magkasama sa iisang unit—particularly in my unit. Doon siya nakatambay palagi tuwing may paperworks kami. Pero madalas, nandoon siya para asarin ako.

"Then I'll pulled you in my unit. That's easy," napatigil ako sa paglalakad at seryoso siyang hinarap. "Kain na po tayong tusok-tusok, Alana Brielle. Tara na po!" Hindi pa ako nakakapagsalita nang hatakin na niya ang kamay ko.

Nakipagsiksikan kami sa mga estudyanteng papalabas ng campus. Hindi ko naman mapigilan sa pagtakbo si Ace dahil ang bilis niya. Hinayaan ko na lang, tuwang-tuwa iyong bata, e.

"Isaw po ulit!" Masaya niyang sabi roon kay Kuya Simon, ang nagtitinda nitong tusok-tusok.

I just smile while shaking my head. He's like a kidult. Tuwang-tuwa na naman si Kuya Simon sa kaniya dahil sa pagiging makulit.

"Iho, kumusta? Nagsabi ka na ba?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Nagsabi kanino?

"Hindi pa po, Kuya Simon," umiiling na tugon ni Ace. "May tatlong taon pa po. Kaya ko naman po iyong tiisin."

Nakatayo lang ako rito habang hawak ang isang isaw sa aking kamay habang kunot-noong nakatingin kay Ace. What is he talking about? Palagi naman niya akong kasama rito tuwing bibili kami ng isaw. Bakit parang wala akong alam?

I flinched when he pokes the side of my cheeks. "Are you mesmerizing over me? Huh, Alana Brielle?"

Mas lalo pang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I just shake my body, acting like I was disgusted to what he says. Tinawanan lang niya ako at pati si Kuya Simon ay nakitawa na rin. Napanguso naman ako at kinain na iyong isaw na hawak-hawak ko.

"Aalis na po kami, Kuya Simon. Sa susunod po ulit, paalam po," both of us bowed in front of Kuya Simon. Tatalikod na sana ako nang pigilan ni Ace ang aking kamay. "Ang kalat mo namang kumain, Alana."

I was about to see myself in the mirror when he grabbed my chin that made me stilled in front of him. He was staring at lips, and I even gulped when he wipes something in my lips using his thumb.

After that, his eyes met mine and that was the first time he made my heart feel so wild inside. We were staring at each other. His hazel brown eyes were sparkling, and I almost didn't see it when he smiles widely.

"Cute,"

I blinked twice. Did I hear him right? Siya ba talaga iyong nagsalita?

"Iho," sabay kaming napalingon kay Kuya Simon na ngayon ay nakangiti nang malawak sa amin. "May pangako, 'di ba?"

Ace instantly removed his hand in my chin and turn sideways to scratch his nape.

"Oo nga po, e. Nakakalimutan ko po minsan," naging seryoso bigla ang boses ni Ace at nang lingunin niya ako, isang tipid lang na ngiti ang naigawad niya. "Kuya Simon, aalis na po talaga kami. Paalam po,"

"Mag-iingat kayo, ha?" Sabay kaming tumango ni Ace. "Kapag gusto mong magmahal, dapat handa kayo parehas."

***

Promises are Meant to be BrokenWhere stories live. Discover now