Chapter 1

19 2 0
                                    

Chapter 01

Astheria

"Oh my God, you're really here!" Salubong agad sakin ni Maxyl, ang presidente ng grupo namin. Pero ayaw niyang tinatawag siyang Maxyl or Xyl. Ang gusto niyang itawag namin sa kanya ay Myl.

"Yes, so kumusta?" Tanong ko.

"Heto, maganda pa rin." Napailing ako sa sagot niya. "Nagtext sakin si Alira, ang sabi niya'y papunta na siya. Miss ka na rin kasi non."

"Miss ko din naman siya, miss ko kayong lahat. Teka nga, bakit ba palaging busy si Finiz? Ngayon nga lang ako nakabalik tapos wala pa siya! " Tanong ko. Kasi sa aming lahat, si Finiz lang ang madalang na pumupunta dito sa office namin.

"Hayy, alam mo naman yun, busy sa school. Tsk. Ganyan talaga pag topnotcher eh!" Ani Avery.

"Oo nga naman, tutok talaga yun sa pag-aaral niya." Napailing na sabi ko.

"Kaya nga sobrang kapal ng salamin niya diba?" Ani Arielle. Kaming apat lang ang andito kasi wala pa si Alira. Saka si Finiz naman eh kahit walang pasok, pumupunta ng school at sa library nagtatambay.

Si Finiz kasi ay topnotcher sa school nila. Sa sobrang talino niya, ang kapal na ng salamin na suot niya. Yes, isa siyang tipong nerd kasi maluluwag na dress o kaya naman shirt ang sinusuot niya.

Pero kahit na ganun, hindi maipagkakailang maganda siya at maputi.

"I'm hereeee!" Napalingon kami sa pinto ng marinig ang boses ni Alira.

"Tamang-tama, dahil magsisimula na tayo." Ani Myl saka umayos kami ng upo. "So... Astheria Amber Prescott, it's your turn to do the bet. Anong gusto mo, ikaw ang pipili ng target mo o ako?" Ani Myl saka tiningnan ako ng deretso.

"Hmm..." kunyare pa akong nag-isip. "...sige, ikaw nalang ang mamili."

"Great, dahil may alam na akong tao na maging target mo."

"Wow, hindi naman halatang pinaghahandaan mo to eh no?" Ani Alira.

"Of course, my dear. Astheria, your target would be..." may pasuspense pa siyang nalalaman. "...nag-aaral siya sa school na pinapasokan mo. Isa siya sa mga basketball playerㅡvarsity sa school niyo."

Lahat kami napa-roll eyes. "Seriously? Pa-thrill pa talaga."

Myl laughed at that. "Masyado naman kayong atat. Okay eto na." Tumingin pa siya ng deretso sakin. "Si Ash Levin Fodd, siya ang target mo, kilala mo siya?"

"Yes, I mean naririnig ko lang ang pangalan niya. He's quite popular dahil daw sa galing niyang magbasketball at naririnig ko ring mabait yun." Sabi ko at nagkibit-balikat. "Siya pala ang target ko, hmm... okay I'll accept it."

"Great!" Pumalakpak pa si Myl.

"Basta ha, pakilala mo siya samin hehe..." Sabi ni Arielle.

"Yup!" Sabado ngayon kaya naman sa lunes ko na gagawin ang bet ko.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. Hanggang sa sumapit ang ilang oras, dumating si Finiz.

Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1Where stories live. Discover now