Chapter 9

12 1 0
                                    

Chapter 09

Astheria

"You said that?" Gulat na sigaw ni Maxyl nang sabihin ko sa kanya ang nangyari. Gulantang siya dahil di siya makapaniwala na sinabi ko yun kay Levin. Well, hindi ko rin naman inaasahan sa sarili ko na sabihin iyon. Lumabas na sa bibig ko kaya wala na akong magagawa. "Anong sinagot niya?"

"Duh! Syempre nahiya na ako kaya nauna akong pumasok bago ko pa makita ang reaksyon niya." Bulalas ko. "Teka, does this mean talo na ako sa pusta natin?" Takang tanong ko.

Bumuntong-hininga si Maxyl. "Sabi ko naman diba wag mo nang isipin yun. Manalo, matalo, does it matter? Ang importante napana ka na ni kupido."

"Wait, don't tell me that's the goal, all along?"

"Yup! You're all my friends, gusto ko din naman na sumaya kayo. But hey, don't tell the girls yet. Saka na kapag napana na din sila ni Mr. Kupido." She winked at me. Napakurap-kurap ako kay Maxyl. She built this so-called club para hanapan kami ng lovelife? Hindi totoong may pustahan? What the heck?

So umpisa pa lang, hindi na kami mean sa mga lalaki?

"And you chose Levin to be my partner? Can't I choose kung sino ang gusto kong maging boyfriend? Malay mo diba di ko pala gusto si Levin?"

"Nah, I have reason for that. Alangan namang basta-basta nalang ako namimili para sa inyo, that's a no-no." Iwinagayway pa niya ang hintuturo sa harapan ko.

"What do you mean, Max?" Kunot-noong tanong ko.

"Basta malalaman mo rin." Then she winked at me. "Hindi mo talaga gusto si Levin? Gwapo naman siyaㅡgosh, all package kaya siya. Ano pa ba ang hinahanap mo?"

Napaisip ako. Well, hindi naman sa ayaw ko kay Abo. He's kind, yes, and parang ayokong nakikita din siyang may kasamang ibang babae bukod sakin. Iisipin ko palang ay kumukulo na ang dugo ko lalo na noong nakita ko siya kasama yung Joyce the other day.

Bumuntong-hininga ako. "Siguro crush. I don't know, okay? You know I didn't had a boyfriend before."

"Kung may nararamdaman kang kakaiba sa twing kasama mo siya na hindi mo naramdaman kapag iba ang kasama mo, gusto mo siya. Basta kapag may naramdaman kang kakaiba just tell me okay? We will figure it out together." Aniya sabay turo sa dibdib ko kung saan banda ang puso ko.

Nasa mall kami ngayon ni Abo upang mamili ng iregalo para kay Patty. Walang okasyon pero gusto namin siyang bilhan ng regalo dahil na-miss din namin siya. Syempre bilhan din namin ang ibang mga bata ng mga snacks para fair. Baka isipin pa nila na unfair kami at bias kay Patty. Hindi naman kami ganun.

"Ano pa ang kulang?" Tanong ni Abo habang bitbit ang pinamili namin.

"Hmm, wala na siguro. Kung meron man, may next time pa naman." Sabi ko dahil wala na akong maisip na bilhin.

"Okay." Binayaran na namin sa counter ang pinamili namin at agad ding nilisan ang lugar na iyon pagkatapos.

May date sana kami ngayon pero parehas naming napagpasyahan na bisitahin muna namin si Patty. Siguro bukas na ang date namin. Bakit atat ka, girl? Akala ko ba wala kang gusto sa kanya? Crush nga! Duh!

Nakarating kaming orphanage at binati namin ang mga sister na nakita namin. Yung isa ay itinuro pa sa amin kung nasaan ang silid na pinanitilihan ni Patty kaya nagpapasalamat kami sa kanya.

"Ate Astheria! Kuya Levin!" Nanlaki ang mata ni Patty pagkakita samin dahil siguro hindi niya inaasahan na babalik kami rito.

"Good morning, Patty!" Bati ko at yumuko upang magpantay kami. "Kumusta? Na-miss kita." Napangiti ako nang yakapin ako ng maliliit niyang mga kamay.

Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1Where stories live. Discover now