Chapter 7

10 1 0
                                    

Chapter 07

Astheria

"Let's date." A-Ano daw?

Napasinghap ako at nilunok ng maayos ang laway ko. "Are you out of your mind? Teka, ganun na ba kalakas ang pagkakabagok ng ulo mo? Tigilan mo ako, Abo. Wag kang magbiro ng ganyan!" Kahit kinakabahan ay pilit kong tapusin ang paglilinas sa pinagkainan namin.

"Who said I'm joking? I'm serious, Astheria." Mariin niyang sagot. Shit! Bakit tila natameme na yata ako ngayon? Diba eto naman ang hinihintay ko?

"Um... magpahinga ka na muna." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko talaga inaasahan na ngayon at dito niya sasabihin ang katagang iyon.

"I know you're shock, but I like you and I mean it." Abo naman eh! "Bibigyan kita ng panahon para pag-isipan ang alok ko. Sana naman may hihintayin ako." Dahil sa sinabi niya'y sinamaan ko siya ng tingin.

"Pa'no kung wala? Saka pa-bigla-bigla ka kasi! Alam ko namang maganda ako at nahuhulog ka sa karisma ko pero wag ka namang pa-bigla-bigla at sa sitwasyon mo pang ito mo napiling magsabi ng ganyan."

"Maganda at karisma?" He nonchalantly teased me. Anak ngㅡsa dinami-dami ng sinabi ko, yan talaga tumatak sa isip niya!

"Totoo naman! May angal?"

"That's true. You're indeed pretty and charismatic and cute." He smiled so my heart melts.

"Abo naman ih! Weird mo na ngayon!"

"Basta bibigyan kita ng panahon at sana naman hindi ka na didikit-dikit sa Kolai na yun at kung sino pa jan. Sinasabi ko sa'yo, Astheria." Banta pa niya.

"Sabi mo nga charismatic ako, so di ko sila mapiligilang lumalapit sakin." Asar ko.

"Tsk. Tigas ng ulo." Rinig kong bulong niya.

"Hoy, rinig ko yun! Tulog ka na nga!"

"I want to go home." Paglingon ko, nakanguso na ang damuho.

"Ha? Eh pwede na ba? Ano sabi ng doctor?"

"I don't care basta gusto ko ng umuwi." Pagdadrama niya. Kung wala lang to dito sa ospital, baka natamaan na'to sakin. OA masyado!

"Abo, ikaw naman pala matigas ang ulo! Hindi pa pwede kang umuwi."

"Kaya ko naman naㅡahh!" Sinubukan niya kasing tumayo at naitukod pa niya yung kamay niyang may cast. Dumb!

"Sige, pilit mo pa! Bala kulang pa yang sakit!" Asar ko. He glared at me kaya nagpeace sign ako. "OA mo masyado. Tara, pasyal nalang tayo rito para hindi boring." Inalalayan ko siyang tumayo at naglakad. Ako naman, hila-hila ko ang dextrose niya.

"Saan naman?"

"Sa kids playground. I'm sure maraming mga bata roon."

"Are you sure? Baka di pwede?"

"Sus, pwede yan." Inalalayan ko siyang maglakad. Sumakay kaming elevator dahil nasa ground floor at likod ng ospital ang playground. Playground iyon ng mga batang may sakit at nagtatagal na namalagi dito sa ospital. Para kahit papano ay may kinaaaliwan sila.

"Chada!" Winagayway ko pa ang mga daliri ko. Kita kong napangiti si Levin kaya napangiti rin ako.

Lumapit kami sa mga batang naglalaro. Hindi naman nakakahawa ang sakit nila kaya pwede parin kaming lumalapit sa kung sino sa kanila.

Piniling maupo ni Abo sa swing na andun kaya umupo ako sa kabila. Kita ko ang saya niya habang nakatingin sa mga bata. "Mahilig ka ba sa mga bata?" Di ko napigilang tanong.

Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1Where stories live. Discover now