Chapter 08
Astheria
Ilang araw na ang nakalipas simula noong nakalabas ng ospital si Abo. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin masagot-sagot ang tanong niya kung pwede ba na mag-date kami. Ewan ko rin sa sarili ko, naguguluhan na hindi ko alam kung ano ang dapat gawin eh date lang naman. Di naman sinabing jowain niya ako.
Sa susunod na linggo ay dadating dito sa Pinas ang pinsan kong lalaki na si Skier. Pero kay Athena siya mas close kasi suplada daw ako aniya. Naglalakad nga pala ako ngayon papuntang university. Pumunta kasi akong mall saglit dahil may binili at dahil nasa loob lang ng university ang market ay naglakad nalang ako. Nag sunscreen din naman ako kaya hindi ako takot sa init, masakit nga lang sa balat.
Papaliko na sana ako sa isang pathway nang biglang may bumusina sa likuran ko kasabay ng paghila sakin ng kung sino kaya napasalampak ako sa tanim. "Putangina!" Napasigaw ako dahil sa sakit gawa ng pagkakatama ng halaman sa mukha ko.
"Shit! Astheria, ayos ka lang? Sorry!" Hindi ko pa man nakikita ang pagmumukha niya ay alam ko na agad ang taong akala ko ay gentleman! Naramdaman ko ang paghila niya sakin at hinawi ang buhok ko na natatabon sa mukha ko.
Tinampal ko ang kamay niya. "Sinadya mo bang gawin yun ha?" Singhal ko kay Abo na todo pigil na ang tawag ngayon.
"Sorry, hindi mo kasi napansin ang sasakyan kaya iniwas kita doon. Hindi ko naman alam na mapasobra ang paghila ko sa'yo." Anito na ang sarap bigwasan dahil sa pagpipigil niya ng tawa.
"Sige na, tumawa ka na, nahiya ka pa! Baka mautot ka kakapigil jan! Bwisit!" At bumulaghit na nga siya ng tawa. Inis kong pinagpagan ang sarili ko saka walang pasabing iniwan siya doon.
"Hoy, hintay!" Tawa pa rin siya ng tawa.
"Nakakainis ka na!"
"Hindi naㅡtitigil na!" At pinalobo niya ang pisngi niya para wag nang matawa. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap!"
"May binili lang sa market." Walang ganang sagot ko.
"Sana sinama mo ako." Aniya kaya hindi na ako umimik.
Tahimik naming binaktas ang hallway papunta sa building namin nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Hey, Astheria!" Lumingon kami pareho ni Abo sa gilid at nangunot ang noo ko dahil isang lalaking pamilyar ang nakita ko. Saan ko nga ba to nakita? Bakit pamilyar siya sakin? "It's Jay. Noong Palaro." He smiled kaya parang tinunaw ang puso ko sa gwapo niya hehe.
"Oh, yeah, hi!" Bati ko dahil naaalala ko na siya. Siya pala yung nagpakilala sakin noong palaroㅡyung halatang may lahi na inaya akong mag coffee. "Kumusta?"
"I'm now fine that I saw you." He playfully winked at me. I chuckled. Hindi naman mukhang manyak ang pagkindat niya kaya keri lang. "Um, are you free today?" He carefully asked.
"She wasn't free the other day, she is not free today and she will never be free forever!" Exaggerated na sabat ng katabi ko. Siniko ko naman siya at aba lumaban din. Mahigpit pa niyang hinawakan ang kanang braso ko as if ayaw niyang aalis ako sa tabi niya.
"Dude, ikaw na naman? Astheria, boyfriend mo ba talaga siya?" Tanong ni Jay. Hindi ako nakaimik agad.
"Um..." Napatingin ako kay Levin and he was staring at me as well. Tila hinintay kung ano ang sasabihin ko. Iniwas ko ang tingin at binalingan si Jay. "I'm so sorry, Jay. I'm busy at the moment kaya wala akong oras ngayon."
"Oh." Jay's face fell. "It's okay, may ibang pagkakataon pa naman. I really like you, Astheria. Sana sa susunod may maaya kitang lumabas." Napakagat-labi ako sa narinig.
YOU ARE READING
Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1
Random[ONGOING] Capturing His Heart #1 "CAPTURING HIS HEART" is a name of a group consisting six members who'll bet for a game to deceive a man. Kaya naman nang marinig ni Astheria ang grupo na ito sa kaibigang si Maxyl na siya ring bumuo ng grupong iyon...