Chapter 4

13 2 0
                                    

Chapter 04

Astheria

May practice kami ngayon ng cheerdance dahil next week na ang Palaro at kasali sa contest ang cheerdance. Nagpakilala na rin kami sa isa't isaㅡlahat ng kasamahan ko sa squad.

Andito kami sa gym ng university. Napalingon kami sa may entrance nang may pumasok. Ang basketball team pala. Nakita ko si Levin na hindi mapirmi ang mga mata ngunit nang makita ako ay agad siyang ngumisi at kumaway pa talaga. Para mainis ay inirapan ko ito, di din naman nagpatalo ang mokong at umirap din. Gosh! Pumapatol sa babae, amp!

Nagwarm-up muna kami at basic daw muna ang uunahin naming i-ensayo ngayon. Ang basketball team naman ay nagpractice na din. Nakita ko pa si Nikolai kaya nginitian ko siya nang ngumiti siya sakin. Napabaling ulit kay Levin ang tingin ko kaya kitang-kita ko kung gaano na kasama ang tingin niya sakin.

"Problema mo?" I mouthed at him.

"Ikaw! Humanda ka mamaya!" Sigaw niya kaya lahat ay napatingin sa kanya, nagtataka. Gagong to! Isigaw ba naman ng pabigla-bigla.

"Lev, sino kaaway mo?" Tanong ng isa sa kasamahan niya.

Agad akong umiwas ng tingin at nagkunwareng nagpokus sa pagwawarm-up. Saka pasimple ko siyang binelatan.

Nagcounting kami habang sinasayaw ang basic steps na pinagtulungan naming gawin. Hindi pwedeng isa lang ang gagawa ng choreography dahil mahirap yun. As for me, a former captain and used to be part of a famous cheerleading squad, syempre lahat ng natutunan ko ay iniambag ko. They even said thank you because they have me daw kaya nahiya naman ako. Emz!

Natapos ang practice namin pagkaraan ng ilang oras. Pawis na pawis akong umupo sa bleachers at uminom ng tubig. Maya-maya may tumabi sakin at makapal pa ang mukhang inagaw ang tumbler ko saka ininom. "Hoy, akin yan!" Sinubukan kong agawin pero lumalayo lang siya. "Gago! Meron kang sa'yo. Ano ba naman yan, Abo!"

"Eh gusto ko eh, palag?" Aniya kaya sinapak ko siya sa braso.

"Sa pagmumukha mo palag ako!" Sabay sipa ng bahagya sa paa niya na iniwasan din niya agad. "Eh ako naman ngayon ang wala ng tubig?" Singhal ko pagkaabot niya sa tumbler kong ubos na.

"Edi kunin mo yung sakin. Easy as that." Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Grabeng trip mo no? Alis nga, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo! Kala mo kung sinong gwapo!" Tinabig ko ang mukha niyang malapit sakin.

"Weh? Naalibadbaran daw pero palagi tayong magkasama."

"Eh ikaw kaya hihilahin ko kung kailan ko gusto, hindi ka ba makakasama sakin palagi?" Sikmat ko. Totoo naman, pag wala siyang magawa at may gustong puntahan, basta-basta nalang niya ako hinihila para samahan. Gosh, ano ba ako?

"No need to pull me though. Sasama at sasama naman ako sayo palagi." He winked at me and obviously disgust visible in my face immediately.

"Sasama kita sa impyerno, gusto mo?" Pambabara ko.

"It's okay kung kasama naman kita." Wika niya kaya nanindig ang balahibo ko.

"Gosh, ano bang nangyayari sayo? Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo!" Tumayo ako at kinuha ang bag. "Ge, una na ako. May klase pa ako. Kitakits nalang mamaya."

"Hatid na kita sa building niyo." Dali siyang tumayo at akma pang aagawin sakin ang bag ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Seriously, Abo? May practice pa kayo, engot neto! Bye na! Subukan mong sumunod, lagot ka sakin!" Banta ko pa nang nakita kong humakbang siya.

Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1Where stories live. Discover now