Chapter 06
Astheria
Pang-apat na araw na ngayon ng Palaro dito sa university at nakarating na rin sa amin ang resulta ng contest ng cheerdance. At hindi kami nanalo, 2nd place lang kami but that's okay. At least we enjoyed dancing infront of many people.
"So you're saying na unti-unti nang nahuhulog sa'yo ang Levin na yun?" Tanong ni Maxyl.
"Hindi naman sa assuming ako pero recently, nakakailang na ang mga titig niya. Kung tingnan niya ako sa mata para bang ako ang pinakamaganda sa earth, eme!" Sabi ko at sinundan ng tawa.
Napailing naman si Maxyl. Kami lang kasi dalawa dito sa office niya. "Ang hangin ha. Malay mo di pala ganyan ang iniisip niya. Tanungin mo kaya?"
"Ano?"
"Para diretsahan mo nang malaman at boom, panalo ka." Maxyl winked at me kaya napangiwi.
"Gaga! Ni minsan hindi ko naisip mag first move o magtanong nang ganyan. No thanks!" Sabi ko sabay sulyap sa phone ko. Nagtext kasi ako kay Levin na magpasundo ako rito. Tutal alam naman niya ang lugar na'to pero syempre wala siyang idea na andito ang office naming anim para sa bet.
"Bakit ba panay sulyap ka sa phone mo?"
"Eh kasi hindi pa tumatawah si Levin, nagpapasundo ako sa kanya. Sabi niya naman okay at tatawag lang siya pero halos isang oras na wala parin siya."
"Baka naman may inasikaso lang sandali kaya hindi ka pa natawagan." I just shrugged. "Anyways, exciting ang story ni Alira. Doon kasi sa bar na pinartime-an niya, doon daw palaging namamalagi ang lalaking target niyaㅡReese ba name nun? Oo tama, Reese!"
"Talaga? So badtrip na naman siya niyan pati sa part time niya?"
"Sinabi mo pa! Noong nagkwento samin si Alira, halatang gigil na gigil eh. Pero buti nalang daw mahal niya ang ginagawa niya. Dahil kung hindi, aalis daw siya doon." Natawa kami pareho sa sinabi niya.
Naputol ang pag-uusap namin nang nakita kong may tumawag sakin. Si Nikole. "Miss mo ako?" Asar ko.
["Kung may makamiss man sa'yo, hindi ako yun."] Napaikot ang mata ko sa narinig.
"Nakakatampo ka, alam mo yun? Kung hindi mo'ko miss bakit ka tumawag aber?" Taas kilay kong tanong. Maxyl gave me a teasing-look so I mouthed at her it's a girlㅡmy friend.
["Yan sa kadaldalan mo nakalimutan ko tuloy pakay ko."] Rinig kong bumuntong-hininga siya. "[Astheriaaaaa!"] Napalayo ako sa phone ko nang sumigaw siya bigla. Binalik ko din agad. ["Si Levin, omg!"]
"Nikole, ikaw yata dahilan ng pagkakabingi ko, gosh! Bakit ba? What about him? Isa pa yun hindi pa ako tinawagan!"
["Kaya nga. Levin got accident on the way there. Kolai told me. Kaya puntahan mo na, bilis!"] Napatanga ako sa narinig. Hindi ma-sink in sa utak ko ang narinig ko. ["Hoy! Alam kong nakakagulat pero mamaya mo na ipagpatuloy ang shook moments mo, kailangan ka niya ngayon!"] Napaigtad pa ako nang sumigaw si Nikole. ["Text ko sa'yo kung saan ospital. Puntahan mo ha?"]
Kahit binaba na ni Nikole ang tawag, di ko magawang ibaba ang kamay kong may hawak ng phone. Nakaramdam ako ng pagkabalisa, kaba, at pag-aalala. "Hey, what's wrong?"
Napalunok ako dahil sa sobrang kaba. "I have to go. Naaksidente si Levin." Dali akong lumabas nang matanggap ko na ang message ni Nikole. Shit! Shit! It's my fault! Kung hindi ako nagpasundo sa kanya, hindi siya maaaksidente! Parang maiiyak na ako sa isiping ako ang dahilan kung bakit nangyayari to kay Levin.
YOU ARE READING
Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1
Random[ONGOING] Capturing His Heart #1 "CAPTURING HIS HEART" is a name of a group consisting six members who'll bet for a game to deceive a man. Kaya naman nang marinig ni Astheria ang grupo na ito sa kaibigang si Maxyl na siya ring bumuo ng grupong iyon...