Chapter 05
Astheria
Palaro na ng university ngayong linggo kaya naman busy kami sa paghahanda. Attendance here, attendance there, kakapagod maghabol sa taong may dala ng attendance!
"Astheria, binigay na ba sa'yo ni Kurt ang suot mo?" Tanong ni Fammy sakin, yung nagrecruit saking sumali noon.
"Yeah, nasa condo pa, kukunin ko nalang mamaya." Bukas pa kasi ang contest ng cheerdance kaya relax muna ako ngayon at manonood ng laro ni Abo.
"Okay, great. See you around nalang." We bid our goodbyes at hinanap ko si Nikole. Nasaan ba yung weirda na yun?
"Looking for me?" May biglang nagsalita sa likuran ko and when I turned to look at it, bumungad sakin ang mukha ni Nikole na kumurap-kurap pa ang mata, halatang nagpapacute. Maasar nga.
"What's wrong with your eyes? Nakakain ka ba ng prutas na nakagatan na ng ibon?" I teased kaya nalukot ang mukha niya.
"Oh dear frienny, hindi ka ba aware sa tactics naming mga cute?" Sabay akbay sakin.
"Gaga! Cute ka na non?" Tawa ko pa kaya sinamaan niya ako ng tingin. Naglakad kami patungong gym dahil nakatanggap na akong text galing kay Abo. Magsisimula na daw ang game nila at di daw siya maglalaro kung di pa ako dadating. Isa pang weirdo!
Nang makarating, sinalubong kami agad nang nakasimangot na mukha ni Abo at iginiya samin ang magiging upuan namin which is nasa second row lang. "Hi, Astheria!" Bati ni Kolai.
I instantly smiled to tease the man who's now glaring at me. "Hi, Kolai. Goodluck ah. Galingan niyo, fighting!" At nakipag-apir pa ako.
Kolai laughed and took a glanced at Abo. "Fighting! Tss!" I heard Abo mocking at me. "Dun ka na nga!" Taboy niya kay Kolai at talagang tinulak pa niya ito palayo sa amin. Nagkatinginan kami ni Nikole at sabay na natawa.
"Ang bad mo sa kaibigan mo. Pag yun di ginalingan, ewab ko nalang." Sabi ko.
"Oh dear sweety, kahit pa siya maglaro kayang-kaya kong ipanalo to! Watch and see!" Matigas niyang turan na nakapagpangiwi sakin saka siya nakasimangot na nagtungo sa teammates niya.
Nangisay naman bigla si Nikole. "Oh my gosh! Dear sweety daw!" Kilig-kilig pa siya doon. Parang naiihi na ewan.
"Figure of speech lang yun. Ikaw, kung ano-anong iniisip mo!" Di ko na pinansin ang gaga sa pagngisay niya bagkus tinutok ko nalang sa unahan ang tingin.
Kalauna'y nagsimula na nga ang laro. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga kalaban nila Abo pero di na importante yun. Nakatutok lang ako sa kanila at nanggigigil kapag nagshoshoot si Abo. Go, Abo! Lampasuhin mo sila!
"WOOHHOOO!" Sigawan namin ni Nikole nang maka-shoot ng three points si Kolai. "NICE ONE, KOLAIII!" Dahil sa lakas ng sigawan namin, napalingon samin si Kolai kaya nagthumbs up ito samin. Sunod kong nilingon si Levin na nakatingin din pala sa gawi namin. Walang emosyon ang mukha pero di ko na pinansin yun at nagthumbs up sa kanya.
Nasa kalaban na ang bola at nagdribble-dribble lang ito. Si Levin ang kaharap niya at napatayo ako habang nagsisigaw nang maagaw ni Abo ang bola mula sa kalaban. "YAN NGA ABO! ILAMPASO MO SILAAAA!" Kita kong napalingon ang iba pang nakaupo sa mga bleachers sakin. "DAPAT MANALO KAYO KUNG AYAW MONG TULUYANA KITANG GAWING ABOOOO!" Walanghiyang sigaw ko.
"HAHAHAHA! Walanghiya ka, Astheria! Tama na!" Tawa ni Nikole at kinalabit ako para maupo.
Nakatingin lang ako kay Levin at napangiti ako nang makita ko siyang nakangiti na at matiwasay na ang mukha niya. Hindi kagaya kanina.
YOU ARE READING
Chasing Levin | CAPTURING HIS HEART Series #1
Diversos[ONGOING] Capturing His Heart #1 "CAPTURING HIS HEART" is a name of a group consisting six members who'll bet for a game to deceive a man. Kaya naman nang marinig ni Astheria ang grupo na ito sa kaibigang si Maxyl na siya ring bumuo ng grupong iyon...