Chapter 10: Mall

4 2 0
                                    

"Oh, Kath! Get ready for pageant, ah? Practice more. May ilang araw ka na lang para mag-prepare". Wikang bungad sa akin ni Ma'am Shai sa last class ko ng hapon.

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Ma'am? Kailan po ba 'yong Pageant?" Tanong ko rito.

Tahimik lang ang buong klase at nag-aantay din sila nang sagot mula kay Ma'am Shai.

"It will be on Tuesday. 8:30 am at Florida Hall". Wika nitong nakangiti naman sa akin.

"By the way, you should wear a long gown". Sambit pa nito.

W-what? Long gown??? Ano 'to, Promenade? KSK.

"Go, Katherine. Kaya mo 'yan!", sigaw naman ni Daniella kaya napatawa naman 'yung buong klase at sunod-sunod silang chineer ako maliban sa dalawang asungot sa buhay ko.

Ilang minuto din nagdiscuss si Ma'am about sa literature and then, boom (DISMISS).

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at nagpaalam na din si Daniella dahil inaantay na daw siya ng Daddy niya sa labas nang gate kaya tumango na lang ako.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimula na akong lumabas at magmartsa.

Tumingin ako sa relo ko at 4:30 pa lang ng hapon.

Ayos, makakagala pa ako nito!

'Di bale nasa akin naman 'yung pajero ni Daddy.

Dali-Dali na akong naglakad at nagpunta sa parking lot.

Gusto ko kasing nagpunta ngayon ng National Bookstore para bumili ng libro nang "The Four Bad Boy's and Me", by blue_maiden.

Sinimulan ko ng sumakay sa pajero at nagmaneho na.

Ilang minuto din akong napahinto sa kalagitnaan ng kalsada dahil traffic.

Punyetang traffic 'to, hindi masolusyunan. Jusko naman, oo!

***

Pagkalipas ng ilang minuto at umusad na rin ang daloy nang traffic kaya nagsimula na ulit akong magmaneho.

---

Naka'pag-park na ako sa parking lot at bumaba na ako.

Napatitig muna ako sa pangalan ng mall.

"Cairo Ayala Mall!"

Agad na akong naglakad at pumasok sa mall.

Jusko po, andaming tao dine.

Ayaw ko pa namang nakikisalamuha sa mga tao.

Panigurado kasing kukutyain lang ako sa kapangitan kong 'to.

At isa pa baka mamaya, may amoy putok diyan, may amoy pawis, may namamasa ang kili-kili and any else, whatever!

Hayssst!

Nagtungo na ako sa Category ng mga libro.

Napamangha na lang ang magaganda kong mata sa mga nakita ko.

Oh my gosh!

Halos nandito na lahat ng mga librong sa Wattpad ko lang dati nababasa.

Owemji talaga, bhe.

Nagsimula na akong hanapin 'yung libro ng "The Four Bad Boy's and Me", by blue_maiden nang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Grabe talaga ang tadhana, ano?" Wika nito.

Dahan-dahan naman akong napatingin at....

---

Wait? Sino ba ito??

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now