"You may now, class dismiss".
Anunsiyo nung teacher na lalaki. Ni Sir Villarias ba 'yon?
Siya nga pala 'yung History Prof ko dito sa public.
Nagsilabasan na lahat ng kaklase ko at papunta na sila sa last subject namin ng hapon.
Nagmamadali akong inilagay 'yung mga gamit ko sa sling bag na dala ko dahil baka 'di ko sila masundan at mawala pa ako!
Pagkatapos kong mailagay lahat ay naglakad na ako palabas para habulin 'yung mga kaklase kong nauna na.
Paglabas ko ng pinto. May nakasandal na babae sa pinto nito.
"Hoy, girl! Tara na, sabay na tayo". Wika nito at nginitian pa ako ng pagkalapad lapad.
Wait! Siya 'yung babaeng maputi na nagtanong kay Ma'am Shai kanina kung, anong anunsiyo niya.
It means, classmate ko siya!
"Oh? Wala ka bang balak maglakad?" Natatawang sambit nito.
"Ah, sige. Tara na!" Sambit ko naman.
Habang naglalakad kami ay puro lang siya daldal.
Hayst! Ang daldal nga talaga nila dito.
Pero, 'di na din masama. Kasi naman, masaya naman siya kasama at nararamdaman kong makakasundo ko siya.
"Balita ko, galing ka daw sa private school. Myghad kaya pala, ah! Kaya pala maporma ka sa pananalita at kilos pero, manang manamit!" Tuwang tuwang ika nito sa akin.
"Kath!" Wika ko naman.
"H-huh?"
"Kath na lang itawag mo sa akin". Saka ko siya tinignan at nginitian.
"Ah, sige Kath! Wait andami kong naririnig na bulong-bulungan na binubully ka daw at naging panget ugali mo dahil sa nakaraan mo at matapobre ka daw pero, ngayon na nakakasama kita ay mukhang hindi naman, eh!"
Bahagya naman akong natawa sa sinabi nito.
"Well, you don't know me. HAHAHA"
"Well! By the way, you can call me Daniella".
Kinamayan ko naman siya.
"Hi, Atasha!" Bati niya bigla sa nakasalubong naming babae.
Wait! Siya 'yung babaeng natapunan ko nang kape, ah?
"Hello, Ate Daniella!" Bati niya naman.
Mukha naman siyang nagulat ng makita ako at agad na nagpaalam at kumaripas ito ng takbo.
Mukha ba akong multo? Well, panget nga naman na multo. HAHAHA
"Sino siya?" Tanong ko.
Tumigil naman siya sa paglalakad niya kaya tumigil din ako.
"Batang kapatid 'yon ni Marcor. Balita ko may sakit 'yon sa puso kaya super duper protective ang mga Kuya niya sakaniya?!" Sambit niya nang may pa awa face niya.
May sakit sa puso pero, noong natapunan ko halos napakasungit?
Noong natapunan ko ng kape, halos nilait niya din 'tong ako as a complete nerd? HAHAHA
"Marcor?" Tanong ko naman.
"Oo, Marcor. Marcor Alarcon! 'Yung katabi mo sa first subject kanina, hehe!"
"Ah?!", sagot ko na lang. HAHAHA
Pero, nagui-guilty ako bigla eh! And sa small world pala talaga kasi magkapatid pala sila.
YOU ARE READING
The Campus Girl's (On-Going)
Fiksi Remaja(HIGH SCHOOL SERIES #1) Si Katherine Cinob ay masipag na estudyante mula Elementary hanggang sa mag High School siya. Dahil sa mga nangyari sakaniya sa loob ng pagiging Elementary student niya hanggang maging High School student siya ay nagbago na a...