Chapter 25: Confession?

6 0 0
                                    

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko ng may marinig akong nagsalita.

"Kath, hanapin mo ako sa puso mo please!!!!! Alam ko kahit nakalimutan na ako ng isip mo, patuloy pa din naman akong aalalahanin ng puso mo".

"Sino ka?!!" Tanong ko nang may buong pagtataka.

"Ako 'to si Kliffer".

"K-Kliffer? Kliffer!!!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko dahil may naramdaman akong nakahawak sa kamay ko.

Pagbukas ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang imahe ng isang lalaki.

Kinusot ko pa ng ilang beses ang mga mata ko para luminaw ang paningin ko pero, napabitaw ako sa kamay na nakahawak sa akin noong nalaman kong si Marcor pala.

Inilibot ko ang paningin ko at nagtaka ako.

Na'saan ako?

"Uy! Na'saan ako?" Tanong ko kay Marcor.

Napansin kong namumula ang mga mata niya.

Siguro ay kakatapos lang niyang umiyak. Pero, bakit naman siya iiyak?

"Nasa hospital tayo. Na-aalala mo na?"

Sandali akong nag-isip.

Oo nga no'h! Teka! Bago magdilim ang paningin ko ay may lalaking nagligtas sa akin kanina habang tumatakbo paalis yung mga anim na lalaki.

"Ikaw ang nagdala sa akin dito?"

Ngumiti naman siya sa akin at saka tumango.

Napaiwas naman ako sa tingin niya dahil pakiramdam ko matutunaw na naman ako na may kasamang kahihiyan.

"Bakit ka sinasaktan ng mga 'yon? Kilala mo ba sila?" Sandali akong natigilan, tumingin ako sakaniya at sa pagkakataong i'yon ay seryoso na akong lumingon sakaniya.

Hinawakan ko pa ang bibig ko na nabasag kanina at ang ibang katawan ko'y naramdaman kong masakit pa din.

"Hindi! Pero sa oras na malaman ko kung sino sila, at kung sino ang nasa likod non". Tinignan ko ulit si Marcor at saka ako nagpatuloy.

"Ay gagantihan ko sila".

Hindi naman siya nagsalita at nanatiling nakatingin lamang ito sa akin ng diretso.

Kitang-kita ko ang lungkot at awa na bumabalot sa mga mata niya.

"Ayos lang ako". Pagkumbinse ko pa sakaniya para 'di na siya mag-alala..

Teka!

Nag-aalala ba siya sa akin?? Naku! Assuming lang yata ako, eh.

"Sa susunod kasi wag kang lalabas ng ganoong oras, ha!" Seryoso naman din itong nakatingin sa akin kaya napalunok naman ako ng ilang beses.

"Wow, ah! Teka nga lang, tatay ba kita? Ikaw ha, anlakas ng tama mon---". Napabalikwas ako sa gulat dahil bigla itong sumigaw at kita ko sa mga mata niya ang galit..

"Katherine! Pwede ba?! Kahit ngayon lang magseryoso ka naman! Ayokong mawala ka ulit sa akin at paano kung, napatay ka ng mga 'yun? Anong sasabihin at gagawin mo, ha?"

Teka, ang gulo niya.

Hindi ko alam kung, anong gusto niyang palabasin.

Napahilamos pa ito ng kaniyang mukha at tumalikod.

Maya-maya pa ay narinig ko siyang humihikbi kaya naman ay agad akong nakonsensiya ng bigla dahil doon..

Teka nga lang! Bakit ba ganiyan siya makareact? Jusko, ang oa ha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now