Chapter 11: Dream

4 2 0
                                    

"I thought you love me?"
"I thought you love me for who I am?"

Umiiyak ako habang binibigkas ang mga salitang i'yan.

"I am so sorry"

I slapped him suddenly.

"'Yan lang ba ang kaya mong sabihin?"

Hindi siya umiimik. Mahal na mahal ko siya tapos sa isang iglap ganito lang ang mangyayari?

Umiiyak parin ako habang tinitignan ko ang kaniyang maamong mukha, ang mukhang nagpapatibok ng aking puso.

Pero noon 'yun, dahil ngayon galit at poot ang aking nararamdaman para sa kaniya.

"Ano ayaw mo ba magsalita?" walang emotion kong tanong.

Hindi pa rin siya umimik hanggang sa...

"O sige kung ayaw mong magsalita, 'di wag! basta ito lang ang masasabi ko sayo, tandaan mo ang araw na ito!"

Habang sinabi ko i'yon, unting pumapatak ang kaniyang luha sabay yumuko.

Gusto ko man siyang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili.

For the last time masisilayan ko ang kanyang gwapong mukha bago ako aalis sa buhay niya.

Sinariwa ko sa aking isipan ang mga ala-alang magkasama kaming dalawa.

Yung masasayang araw sa nakaraan naming pareho.

"I'm sorry!"

Pumikit na lamang ako sa sobrang sakit ng aking nararamdaman at sa salita na paulit-ulit niya lang binibigkas.

Bago pa akong tuluyang bumigay, tumalikod na ako sa kanya at tumakbo ng tumakbo.

Biglang sumabay sa akin ang panahon, umulan ng malakas kasabay non ay ang walang katapusang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

Tawag siya ng tawag pero patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa...

/*BEEP
/*BEEP
/*BEEP

Nakakasilaw na ilaw at nakakabinging tunog ang aking nararamdaman bago tuluyang magdilim ang lahat.

---

"Hmmm... Hmmm!!"

'Di ko inaasahan ang pangyayaring naganap sa'kin ngunit...

"Nak, gising!"

Sabay yugyog ni Mommy sa akin upang magising mula sa mala-buwis buhay kong panaginip.

Nagising ako at dali-dali akong umupo habang hinahabol ang aking paghinga.

"Nak, are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Mommy sa'kin, sabay abot nito ng baso na may tubig.

Tanging pagtango na lamang ang naisagot ko habang ako nama'y hinahabol pa rin ang aking hininga.

Nang abutin ko ang inabot ni Mommy sa baso na may tubig agad ko itong ininom.

"Anak binangungot ka na naman ba?"

Tanong ni Mommy sa'kin habang siya'y nag-aalala.

"Ahmm! Mom, para kasing totoo yung panaginip ko ehh!!!"

Para talaga siyang totoo, parang ako 'yung babae na nasa panaginip ko although malabo pero, parang ako nadala sa panaginip ko, ewan ko lang kung hindi ako ginising ni Mommy.

At 'yung mukha ng lalaki malabo din. Kaya hindi ko na aninag ang mukha.

*Sigh

"Nak, panaginip lang 'yan wag mong isipin at dibdibin".

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now