Chapter 22: Beauty Pageant

1 2 0
                                    

"Pumwesto na kayo sa backstage according to your number". Announce nung emcee na bakla sa stage kaya naman pumwesto na kaming 13 candidates dito sa likod.

Kasama ko naman 'yung make up artist ko at nireretouch ako nito.

"I'm more beautiful more than this ambitious girl". Napalingon naman kami ni Kuya Yassie, 'yung make up artist ko.

Napatingin lang si Atasha sa akin na mukhang nakiki'pag-asaran pa.

"Just find our concern". Pang-iinis ko naman at siya naman ngayon ang medyo napakunot ang noo.

"You must buy a brain first". Dinig ko namang wika ni Kuya Yassie kaya naman mas lalong tumaas ang kilay ni Atasha.

"Well, tama na ang asaran. Tignan na lang natin kung, sinong mananalo". Wikang muli ni Atasha.

Nagulat naman ito ng bigla akong lumapit sakaniya nang kaunti.

"Oh, Atasha! I can accept my defeat eh, ikaw? Marunong ka bang tumanggap ng pagkatalo?" Pang-iinis ko na naman dito kaya naman siya'y nabwesit. At saka ako tinalikuran nito.

"Halika na dito, saka hayaan mo na 'yang bisugong 'yan". Dagdag pa ni Kuya Yassie at saka ako nito niretouch ulit.

"Mukhang hands na ang mga candidates natin sa umagang ito, ah! So, we will move and we will not prolong the agony of waiting. Welcome to Ms. Florida Ambassador 2022". Ani emcee.

Nagpalakpakan naman na ang mga estudyante at dinig na dinig ko ang hiyaw ni Daniella.

Naku! Talagang babaeng 'to, bukas wala ng boses 'yan.

"Are you ready?" Ani emcee ng nakangiti.

"Yessssssssssss!!"

"What? I can't hear you, louder!" Dagdag pa nito kaya naman mas lalo naming nilakasan.

"Yessssssssssss!!" Sabay-sabay naming wika.

"Kung handa na kayo, let us welcome our candidate number 1". Umusad na ang pila dito sa backstage dahil umakyat na sa stage si number 1.

Napaka-lakas na hiyawan ang bumabalot sa aking tenga na naririnig ko sa audience.

May mga bumabating-ting pa ng takip na mga kaldero.

Nangangalay na ang mga paa ko.

Halos kinakabahan din ako.

Dahil iniisip ko na baka matapilok ulit ako.

'Lord, sana po'y hindi ako matapilok. Gabayan niyo ho sana ako ngayon sa labang ito'. Dalangin ko sa buong maykapal.

***

"A round of applause for candidate number.... 12". Napatingin naman ako kay Atasha.

Tumingin muna si Atasha sa akin and she mouthed 'Ako, ako ang siyang magwawagi'.

Akala naman niya eh, hindi ko matatanggap na matatalo niya'ko. For she information, marunong ako tumanggap ng pagkatalo ko. How about she?

Pake ko kung, matalo ako? HAHAHA

Whatever!! Kaysa naman sa ako na nga ang natalo ako pa ang hindi tatanggap?

Ang lakas ng hiyawan sa labas.

Jusko! Naghihiyawan lang 'yang mga 'yan dahil takot sila kay Atasha.

Mandurugas! HAHAHA

Maya-maya pa ay bumaba na siya at bumalik na si Atasha sa backstage dahilan upang kumabog na nang napakalakas ang puso ko.

Namumuo na naman ang mga pawis sa buong katawan ko pati sa kili-kili ko.

"And now! The last contestant but definitely not the least... Candidate number 13".

Pagtawag pa lang ng emcee ang number ko ay umabante na ako paakyat ng stage.

Lumingon din ako kay Atasha at ginaya ko ang ginawa niya sa'kin kanina bago siya rumampa at saka dire-diretsong umakyat.

Pagbungad ko sa audience ay naghiyawan na ang mga ito.

Nagtatalon din ang mga kalalakihan at nagwhi-whistle pa.

Bastos!!!!!

Agad naman ako napatawa sa isip ko.

Iba talaga ang alindog ng isang Katherine Cinob.

Rinampa ko ang sarili ko pakanan at pakaliwa sa stage at muli akong rumampa papunta sa centerstage kung saan nakatayo ang mikropono.

"A pleasant and spectacular morning to each an everyone". Paninimula ko.

"Go, Katherine! Best friend ko 'yan". Natawa naman ako ng marinig ang boses ni Daniella na kasama ang buong section ng Love at todo wagayway pa sa sila sa banner na ginawa nila para sa akin.

Nakita ko namang pumapalakpak si Marcor at nakatingin lang si Chester ng seryoso sa akin.

"Do not compare yourself with others. Everyone has their own role to play. I am Katherine Cinob, proudly represents of section Love".

Tumalikod na ako at bago ako bumaba sa backstage ay lumingon naman ako sa audience sabay kumindat.

---

"From 13 candidates, we will down to 5. And those 5 candidates will answer the Q and A Portion". Aniya emcee.

Nakatayo na kami ngayon dito sa stage at naka-awra. Todo naman ang hiyawan sa loob ng Hall na halos ay nakakabingi na sa tenga kung pakikinggan ito.

Paulit-ulit naman na isinisigaw ng buong Love ang number ko.

"Kumapit na tayo! Dahil iaannounce ko na ang mga kandidatang papasok sa ating final 5".

Nakangiti lang ako at tila wala akong nararamdamang kaba.

Well, wala naman kasing deal sa akin kung makapasok ako o hindi.

Mas maganda ngang matanggal na ako para matanggal ko na ang high heels na suot-suot ko.

Shit!!! Nakakangalay, hayssst.

"The first contestant who will take the first slot is... number 5".

Nakamove forward na ang tatlong candidate na sina number 5, 10, and 3.

Nakatayo pa din kami dito.

Napatingin naman ako kay Atasha at pinagpapawisan na ito.

HAHAHA mukhang takot nga talaga siyang matalo.

"Candidate number 12".

------

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now