Nakaupo ako ngayon sa study table ko at nanonood ng k-drama.
Kinikilig talaga ako sa pinapanood ko.
Ilang minuto lang ay tapos na akong manood kaya naman isinara ko na ang laptop at tumulala sa kawalan.
Na'pag isip-isip ko.
Nakakapagod pala ang araw na ito.
Andaming nangyari plus dumagdag pa 'yung fact na sasabak ako sa isang pageant at irerepresent ko ang section Love.
Andaming nangyari, unang araw ko palang pero...
Nakakapagod na, at medyo magulo din ang paaralang i'yon.
Pero, 'di naman siya gano'n kagulo just like what I've expected.
Hayst, jusko!
Sana lang talaga mapadali na ang pag improve ko lalo na sa grades para mapadali na din ang pagbalik ko sa Plebeian Academy Private High School.
Well, especially... PAPHS is my comfort zone, hayst!
---
Maaga akong nagtungo sa school ngayon dahil para akong nasasakal sa bahay lalo na pag andoon si Daddy.
'Di ko parin tanggap na dito na ako nag-aaral.
Nagtungo muna ako sa open field ng school para maka'pag-pahinga at makarecover 'tong utak ko.
And besides, kailangan ko din ng fresh air.
'Hayst! Napaka-worst ng buhay ko. Sheesh' . Bulong ko pa sa sarili ko.
Ilang sandali pa ay naglakad lakad ako doon sa field para ma-excercise ang mga laman laman ko.
Nang magsawa ako sa kakalakad ay umalis na ako doon at nagpunta sa cafeteria.
Sakto't dumadami na din ang students.
Medyo may kaliitan at kasikipan ang cafeteria nila unlike sa PAPHS na malawak at malaki.
Naghahanap ako ng maiinom and finally, meron silang tindang mineral water kaya bumili ako ng isa.
Binuksan ko na ito at umiinom habang naglalakad pero, dinumbo ako ng isang babae at naitapon sa doll shoes niya 'yung tubig at nahawaan din ng kaunti ang palda.
"Oh, shocks!" How dare you, bitch!" Galit na galit na wika nito.
'Yung mga ilang students naman ay naglakad papalapit ng kaunti sa amin para makiusyoso.
Sino ba itong babae na ito at halos paputukin na niya ang sarili niyang pisngi sa kakapal ng blush on nito. Parang sinampal ng sampung lalaki, eh!
"Sorry!" Wika ko at akmang aalis na pero, hinawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik sa pwesto ko.
"Sorry lang?" Naiinis na sambit nito sa akin.
At sa sobrang inis ko, hindi ko na din napigilan ang sarili kong magsalita.
"Oh, bakit? Ano gusto mong gawin ko, girl? Sayawan kita diyan? HAHAHA baka mabilib ka pa sa'kin". Natatawang sabi ko at hahakbang na naman sana ako paalis pero, nagsalita na naman siya.
"Wala kang balak punasan ang doll shoes ko? Ikaw kasi tatanga-tanga ka. 'Di ka tumitingin sa dinadaanan mong hinayupak ka!" Sigaw na niya kaya nakatawag na ito ng atensiyon ng madaming estudyante.
"Wait nga lang. First of all, sino ka ba para punasan ang doll shoes mo? 'Di pa ba sapat sayo 'yung salitang (Sorry)! Tapos ako pa ang tatanga-tanga, ha? Hindi ba't ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo r'yan! Kausap mo kasi 'yang kung, sino mang kalandian diyan so cheap na cellphone mo. Wag ako, girl".
"Aba! Ikaw lang ang mapang-ahas na sumagot sagot na pabalang sa'kin ng ganiyan. Hayop ka, alam mo 'yon? Sino ka ba ha sa inaakala mo?!" Naiinis na nitong wika sa akin.
"I am Katherine Cinob and don't you ever underestimate a person like me dahil baka malagas lang ang buhok mo". Wika ko dito.
"Hayop ka tala---".
Hindi na niya natuloy pa ang kaniyang sasabihin dahil inilabas ko sa bag ko 'yung panyo na dala ko at inihagis sa mukha niya.
"A'yan ang ipampunas mo diyan sa doll shoes mo and then, isunod mo na din 'yang pisngi mo. 'Di mo bagay 'yang blush on mo, girl. HAHA mukha kang tae".
Nilampasan ko na siya at lumabas na ako ng cafeteria.
Akala niyo, ha! Kahit ganito lang akong tao, kahit complete nerd ako.
Alam ko ginagawa ko! Kahit ampanget ko, okay lang 'yon.
Pero, nilait ako ng babaeng 'to na siyang mas kalait lait pa ikumpara sa akin.
Sumigaw naman siya pero, 'di ko na ito pinansin pa.
Sinigawan pa niya 'yung mga tao kaya agad silang naglaho pero, may mga students na nakangiti sa akin tapos may narinig pa akong nagsabi ng...
"Ang galing niya naman banggain si Lordes. Buti nga sakaniya!"
Well, just like what I've said; you don't know me, well!
Naglakad na ako at nagpunta na ako sa room 208.
Napatingin naman ako sa relo ko at medyo maaga pa.
It's already 7:02 in the morning pa lang naman at mamaya pa magtatime.
Paakyat pa lang ako papuntang second floor ay nangatog na ang tuhod ko.
Punyeta! Ang cheap kasi. Wala man lang elevator.
Nagpatuloy ako sa 'pag-akyat ng may sumitsit sa'kin mula sa ibaba.
Agad naman akong napalingon.
Wala naman, ah!
Nilingon lingon ko pa sa ibaba pero, wala kaya aakyat nalang sana ako ng may sumitsit muli.
"Magpakita kang hinayupak ka!" Wika ko naman.
Nag echo pa 'yung sinabi ko dahil kakaunti pa lamang 'yung estudyante.
Ilang segundo pa akong nag observe at nag-antay ng lalabas pero, wala.
Kaya naglakad na ako.
Pero, napatalon na ako sa gulat at nagsusumigaw dahil sa may inihagis sa akin na...
"S-snakeeeeeeee! Ahh, shit. Get away from me". Sigaw ko at halos maiyak na ako ng biglang nagsilabasan 'yung dalawang lalaki.
Wait???
"HAHAHA pre, epic ng mukha. Paano 'yon? HAHAHA! (S-snakeeeeeee! Ahh, shit. Get away from me)". Halakhak nung Mendez at saka sila nag apir ni Alarcon.
Napatulala naman ako agad at napatingin sa ahas na inihagis nila.
Agad ko itong pinulot at tinitigan.
"Toy? Fake snake?" Saka ko sila tinignan na dalawa at 'di na sila maawat sa pagtawa.
"Alam mo, Ms. Kath! You're so funny. Akala ko pa naman, matapang ka. HAHAHA epic ng mukha pre, jusko!" Wika nito sabay tumawa.
"Oh, ba't ka napatulala diyan, Kath! HAHAHA umurong ba 'yang dila mo?" Halakhak rin ni Alarcon.
Napahawak ako agad sa puso ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at paninikip ng dibdib na halos hindi makahinga.
Napahawak ako sa noo ko dahil biglang umikot ang paningin ko then, biglang nandilim ang buong paligid.
Hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko at tumama 'yung likod ko sa hagdan
Narinig ko naman ang sigaw ng ilang estudyante na paakyat at napadaan sa hagdan.
---
Hindi ko na kinaya kaya ipinikit ko na ang mata ko.
——————
YOU ARE READING
The Campus Girl's (On-Going)
Ficção Adolescente(HIGH SCHOOL SERIES #1) Si Katherine Cinob ay masipag na estudyante mula Elementary hanggang sa mag High School siya. Dahil sa mga nangyari sakaniya sa loob ng pagiging Elementary student niya hanggang maging High School student siya ay nagbago na a...