Chapter 19: Practice

2 2 0
                                    

"FLASHBACK"

'Hindi mo na siya pu-pwedeng kalaruin'.

Nakahiga ako ngayon sa kama ng hospital at nandito ngayon sina Mommy at Daddy.

'Daddy... It is not his fault. Daddy he is my friend'.

Hinimas ni Daddy ang ulo ko at saka niya ako tinignan ng seryosong-seryoso.

Magkahalong lungkot at awa ang emotion na nakikita ko sa mga mata ni Daddy.

'Kath! Hindi lang dahil galit kami sakaniya kaya siya lalayo sayo. Kundi, siya mismo ang umalis at pinaki-usapan niya ang Mommy niya dahil nasasaktan siya sa nagawa niya sayo.. He is blaming himself'.

Napaiyak ako na siyang dahilan ng pagsikip ng dibdib ko.

Hindi naman niya kasalanan, eh.

Kasalanan ko dahil nagulat ako sa laruan na pinakita niya sa'kin.

Kahit walong taong gulang pa lamang ako ay parang ang bigat na sa pakiramdam na umalis na ang kaibigan ko at iniwan na ako.

Ilang araw at ilang buwan hanggang sa umabot ng taon na nag-aantay ako sa may silong ng mangga na pinaglalaruan namin noon.

Lagi lang akong nakaupo doon at nagbabakasakali na baka isang araw ay babalik siya at bibisitahin ako.

Labing-dalawang taon na ako at patuloy pa din akong bumibisita sa tagpuan namin pero, wala pa din hanggang sa sumuko na lang din ako.

Sumuko ako pero, hindi ibig-sabibin na napagod ako..

Sumuko ako dahil unti-unti akong nawalan ng pag-asa nung mga oras na i'yon.

'Sana, sana dumating ang araw at magbalik ka. At sana, sana sa pagbalik mo ay hindi pa huli ang lahat'.

Sabi ng isipan ko ng biglang...

'END OF FLASHBACK'

"Kath!!"

Aray ko naman!! Bakit ba ang ingay-ingay?

Ay, haluh...

Wait!!

Napabalikwas ako at agad bumangon dahil sa gulat at inalog-alog ko pa ang ulo ko.

'A-anong p-panaginip 'yon?' sambit ng sarili kong isipan nang uutal-utal dito.

Ha? Wait!!

Ang panaginip na i'yon ay 'yung nangyari noong 8 years old pa ako, ha!

'Teka! Bakit kaya bumabalik ang mga ala-alang i'yon?' Bulong ko sa sarili ko ng may buong 'pagtataka.

Jusmeyo! Wait ulit...

Agad akong tumayo at agad kong kinalkal 'yong bag ko at hinanap ko 'yung picture ko noong bata ako na napulot ko noong nag-aaral pa ako sa Plebeian Academy.

Tinitigan ko ito ng napakatagal at saka ko binasa ulit ang nakasulat kasama nang papel na ito.

"Umaasa akong magkikita ulit tayo".

Napalaki na lang ulit ang mata ko at sa tingin ko ay mababaliw na ako kakaisip.

'Hindi kaya ang nakahulog nitong litratong 'to ay si Kliffer?' bulong ko sa sarili ko nang bigla kong ma-alala 'yung pangyayari't pangalan ng dati kong kaibigan.

At sa PAPHS ko 'to napulot. Ibig sabihin ba non ay mangyaring doon din siya nag-aaral?

Bakit hindi niya ako hinanap?

The Campus Girl's (On-Going)Where stories live. Discover now