CHAPTER 10
Akiryn's POV
"Where are we going again?" Tanong sakin ni Shio napairap nalang ako.. kanina pa sya tanong ng tanong kung saan kami pupunta.
"Sa church..SIM.BA.HAN" naiinis kong sabi, naglalakad kami ngayon papunta sa simbahan, malapit lang kasi ito sa bahay kaya nilakad na namin, mas nauuna sila papa at mama nasa huli naman kami ni Shio,
Pagkatapos kasi naming kumain ay pinaghanda kami ni mama dahil magsisimba daw kami ngayon, eto namang si Shio na subrang ignorante..palibhasa ito ang pinakaunang papasok sya sa simbahan,
Yup, di pa nakakapasok sa simbahan si Shio..ano pa ba ang aasahan nyo sa isang yakuza? Tsk tsk..anyways. kung nagtataka kayo asan kami ikinasal.. opo di po kami ikinasal sa simbahan, meron lang judge na pumunta sa bahay nila Shio at ilang mga saksi..pinirmahan lang namin yung marriage contract and then tapos na...
Malapit na kami sa simbahan ngayon, nakasuot ako ng dress na nahalungkat ko sa mga dati kong damit.. si Shio naman ay ang pinaglumaang polo at maong ni papa..di kasi kami handa para sa pagpunta sa simbahan kaya nanghiram lang kami ng damit..anyways.. kahit na pinaglumaan ito ni papa ay bagay naman sa kanya,kasya naman sa kanya at nagmumukha pa naman itong modelo..
Oo nagmumukha syang modelo kaya lahat ng taong nadadaanan namin ay napapatingin sa kanya, ehh ang tukmol balewala lang sa kanya at di sila pinapansin..hayy ano pa ba ang aasahan ko dito sa makapal na mukhang toh?
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa simbahan, pumasok na kami sa loob at naghanap ng upuan, medjo marami ng tao kaya nahirapan kaming maghanap, nakahanap na ng upuan sila mama pero kami ni Shio ay hindi pa,
Nagpalibot libot pa ang paningin ko hanggang sa makakita ako ng upuan, kaso malayo ito kilala mama.. wala na kaming ibang choice at pumunta doon dahil magsisimula na ang misa..baka maunahan pa kami dun
Agad naman kami umupo, nakita sa gilid ng mata ko na inililibot ni Shio ang paningin nya sa simbahan, tila ba namamangha ito..
"So this is the church" namamanghang sabi nito, napakamot nalang ako sa batok..bakit ko nga ba sinama to? Sigurado akong di ito marunong magdasal.. tsk tsk tsk how pity..
"I know you don't know how to pray so just follow what I'm doing... isa pa pagmasdan mo nalang ang paligid mo para makasabay ka" pangangalabit ko dito, tanging tango lang ang ginawa nya,
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang misa, tumayo na kami at nagdasal.. mabuti nalang at nakaksunod si Shio.
Tahimik lang na nakikinig si Shio sa mga sinasabi ng pari, sinusunod nya din ang mga ginagawa namin..
"Peace be with you" sabi ng pari sabay bow, nag bow din naman ako, sumunod din naman si Shio, inilibot ko ang paningin ko at nakikipag bow sa iba, pati si Shio ay nagba bow din,
Nagulat ako nung bigla nya nalang halikan ang pisngi ko, agad ko syang pinandilatan ng mata dahil sa ginawa nya, nakarinig pa ako ng mga bulongan ng dalaga sa likod namin,
Tinignan ko si Shio na parang nagtatanong kung bakit nya yun ginawa, simpleng itinuro nya lang ang gawi nila mama kung saan nakikita ko si Kian at Kris na nagma mano at hinahalikan sa pisngi sila mama at papa habang si papa naman ay hinalikan sa pisngi si mama..
Napatampal nalang ako sa noo ko at napailing iling, yumuko din ako para matabunan ang pamumula ng mukha ko, gusto ko sanang murahin si Shio kaso nasa simbahan kami at nasa harap kami ng altar kaya it's a really big NO.. para saan pa ang pagsimba ko kung magmumura lang din naman pala ako dito..
Nag commonion na kaya umupo lang kami, habang pinapanood ang mga tao na tumatayo at pumupunta sa harap, napansin kong tatayo din sana si Shio at susunod pero pinigilan ko ito at inilingan,
Wala syang nagawa at umupo nalang ulit habang nagtataka, ilang saglit pa ay natapos na ang misa.. tumayo na kami at pinuntahan na sila mama, sinalubong naman kami ni Kian..
Naglakad na kami palabas at umuwi na, pero bago kami makauwi ay bumili na kami ng manok para pang ulam namin sa hapunan.. syempre ako ang bumili noh..
Alangan naman sila mama pabayarin diba?! Para saan pa yung pagtatrabaho ko kung mag dedepende parin ako sa kanila...
Pagkauwi namin ay ibinabad ko muna ang manok sa tubig bago ako umakyat para magbihis
Ff
Tapos na kami kumain at naghuhugas na ako ng pinggan, ako nalang mag isa dito sa kusina dahil lumabas na sila,
"Ate sabi ni mama ako nalang daw ang tatapos jan sa hinuhugasan mo at puntahan mo nalang daw ang asawa mo" sabi ni Kris nang makapasok ito sa kusina, agad itong lumapit saakin, tinigil ko naman ang ginagawa ko
"Huh? Bakit daw?" Taka kong tanong habang pinupunasan ang basa kong kamay,
"Nasa likod ng bahay kasi sila ni papa at yung asawa mo, nagiinuman ng red horse" sabi ni Kris na nakangiwi, nanlalaki naman ang mata ko sa narinig.. seriously? Pinainum ni papa si Shio ng red horse?
Dali dali akong pumunta sa likod at doon ko nakita sila papa na nakaupo sa kahoy na upuan namin sa labas habang may beer sa kahoy na lamesa, lumapit naman ako agad sa kanila
"Pa ano to?" Irita kong sabi kay papa, nagkibit balikat lang si papa sabay tawa..tak/te lasing na si papa
"Ano ka ba naman nak, ngayon lang naman to ah" natatawang sabi ni papa, namumula na ang mukha nito at halatang lasing na, napailing ako bago tinignan si Shio, may hawak itong baso na may lamang beer,
"Nak tabihan mo kaya ang asawa mo? Mukhang nahihiya ata yan dahil kanina pa hindi nagsasalita" sabi ni papa, napatampal nalang ako sa noo ko at sinunod ang sinabi ni papa... Kahit kailan talaga si papa...tsk tsk
"Madami na nainom nyo?" Bulong ko kay Shio, umiling lang ito.. sabi na nga ba.. mababa lang ang alcohol tolerance ni papa pero kahit na ganon ay nakikipag inuman parin ito tskk ang tigas talaga ng ulo..
"Ezoshio tama ba?" Tanong ni papa kay Shio, tinanguan naman ito ni Shio.. medjo nagulat ako nung biglang naging seryoso si papa, binalingan nya si Shio,
"Alagaan mo sana ang anak ko, ipapaubaya ko na sayo ang princesa ko, wag mo sana syang pababayaan, alam kong sa buhay mag asawa ay di talaga maiiwasan ang mga problema at pagaaway, pero sana kahit na mag away man kayo ng anak ko ay wag mo sana syang saktan, kahit kailan ay diko sya pinagbuhatan ng kamay kaya sana yun din ang gawin mo... Nagmumukha mang mabangis yang anak ko pero ang totoo nyan ay napaka sensitibo at iyakin nyan kaya sana alagaan mo ng mabuti... Sayang nga lang at di kami nakadalo sa kasal nyo.. napakaganda ba ng anak ko habang nakasuot ng puting gown? Alam mo napaka swerte mo dahil sa ating dalawa ay ikaw ang nakakita sa anak ko habang naglalakad sa altar... Subrang saya ko nung dumating sa buhay namin ang anak ko, sana ganon din kasaya ang naramdaman mo nung makilala mo ang anak ko.. Ezoshio, ibinibigay ko na ng buong puso ang anak ko sayo.. kaya wag mo syang sasaktan maliwanag ba? Kundi malalagot ka sakin tamo.."
Napakapit ako sa dibdib ko, diko na mapigilan ang sarili ko, kanina pa ako nagpipigil ng hikbi, nakatalikod ako ngayon sa kanila mula nung maramdaman kong tumutulo ang luha ko,
Ramdam ko ang pagsulyap ni Shio sa akin, nung diko na talaga makayanang pigilan ang hikbi ko ay umalis na ako doon at tumakbo sa kwato ko,agad akong dumapa sa kama at doon ko inilabas ang lahat ng iyak ko, di ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni papa.. 'Kung alam mo lang papa'
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto ko, nakarinig ako ng mga yapak papunta saakin..
Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng haplos sa buhok ko kasabay nun ang pagdagan at pagyakap nya saakin,
"My kitty" bulong ni Shio saakin, diko ito pinansin at patuloy parin ako sa pag iyak.. nagpumiglas ako nung sapilitan nya akong pinaharap sa kanya, inis ko syang tinignan habang may mga luha pa sa mata ko..
"You're indeed a weak kitty yet a brave one" sabi nito saakin saka pinahidan ang luha sa mukha ko
"That's why you got my interest when we first met" dagdag nito at niyakap pa ako..
"Now I know.. You really are amazing"
To be continue~
YOU ARE READING
THE YAKUZA'S WIFE (THE BADASS, AKIRYN AMORES-HIMANA)
RandomAkiryn Amores is just a simple girl until she meet her grandfather that will ruin her simple life, her grandfather bring her to Japan for her to study and marry a Yakuza name Ezoshio Himana, since then she become a badass girl and loathed her grandf...